Matteo ibinahagi ang workout kasama ang istriktong coach na si Sarah

Imahe mula sa Instagram | Matteo Guidicelli
  • Marami ang naaliw sa wokout video na ibinahagi ni Matteo kamakailan kung saan maririnig na itinatama ni Sarah ang ginagawa niyang workout
  • Sinunod naman ni Matteo ang pinagagawa ni Sarah
  • Binilang din ni Sarah ang ginagawang push up ni Matteo at nang maka-lima na ay saka nito sinabing ‘okay’

Ano ang iyong motivation sa tuwing magwo-workout?

Para kay Matteo Guidicelli, nagsisilbing motivator ang kaniyang asawang si Sarah Geronimo na bukod sa kumukuha ng video ng aktor habang nagwo-workout ay tinuturuan din siya kung ano ang tamang gawin.

Imahe mula sa Instagram | Matteo Guidicelli

Sa Instagram ay ibinahagi ni Matteo ang kinuhanang video ni Sarah habang nag-e-exercise siya. “Gentlemen, the best workout coach is your wife,” saad niya sa caption nito.

Maririnig kasi si Sarah na nagkokomento sa ginagawang ring pike ups ni Matteo. “Nagmamadali ka naman kasi, love eh. Bakit walang push up, love? Wala bang push up ‘yan? Dapat may push up, ‘di ba?” sabi pa ng singer.

“Ang strikto naman ng trainer ko,” sagot naman ni Matteo at saka dinagdagan ng push ups ang kaniyang routine.

Pagkatapos nito ay binilang niya rin ang mga nagagawang push up ni Matteo. Nang maka-lima na ay saka nagsabi ng “okay” si Sarah.

Imahe mula sa Instagram | Matteo Guidicelli

Naaliw naman dito ang kanilang mga kaibigan sa industriya na hindi naiwasang mag-iwan ng komento sa video. Ilan sa mga nag-comment ng laughing emoji ay sina Angel Locsin, Kakai Bautista, at Bea Alonzo.

Ang veteran broadcaster na si Karen Davila na malapit sa dalawa, nagkomento rin dito. “Hahaha. OMG – it’s Boss Sarah G.,” aniya.

Ikinasal sina Sarah at Matteo sa isang private ceremony noong Pebrero 20, 2020.

Marami ang natutuwa kapag nagbabahagi ang dalawa ng mga kaganapan sa kanilang buhay mag-asawa, maliit man o malaki, kabilang na ang magkasamang pagbili ng mga gamit sa bahay, pagbe-bake ni Sarah para kay Matteo, at ang paglipat nila sa bagong bahay.

Panoorin dito ang video ni Matteo:

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Matteo Guidicelli (@matteog)

Source :

Instagram

Loading…