Maynila nagbigay ng paunang bayad para sa 800,000 doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccines

Imahe mula sa Gavi, the vaccine alliance
  • Nagbigay na ng paunang bayad ang Lungsod ng Maynila para sa AstraZeneca COVID-19 vaccines
  • P38.4 million ang advance payment na ginawa ng Manila City government para sa 800,000 doses ng bakuna
  • Ang halaga ay katumbas ng 20% ng kabuuang order para sa AstraZeneca vaccine

Nag-release ang Manila City government ng P38.4 million bilang down payment sa order nitong 800,000 doses ng COVID-19 vaccine na gawa ng British-Swedish parmaceutical firm na AstraZeneca. Ang vaccine ay may 70% efficacy rate at kailangang two doses ang ituturok sa isang tao. Ang inorder ng lokal na pamahalaan ng Maynila ay sapat para sa 400,000 Manileños.

Imahe mula sa Manila PIO

Ayon sa Facebook post ng Manila Public Information Office, ang halaga, na katumbas ng 20% ng kabuuang order, ay mula sa budget ng Lungsod ng Maynila.

“In line with the City of Manila’s COVID-19 mass vaccination roadmap, Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso authorized the release of P38.4 million from the city’s budget on Friday, February 19. The amount is a 20 percent advance payment for 800,000 doses of British–Swedish multinational pharmaceutical company AstraZeneca’s vaccine,” post ng Manila PIO.

Batay sa Government Procurement Reform Act, hanggang 15% lang ang pinapayagan na advance payment na maaaring gawin para sa cost ng government-financed projects, subalit noong Huwebes, February 18, ay pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang memorandum na nagtataas sa limitasyon ng advance payment sa mahigit 15% para sa pagbili ng COVID-19 vaccines.

Lubos itong ipinagpasalamat ni Mayor Isko Moreno.

Imahe mula sa Manila PIO

“Fortunately, the national government allowed LGUs to fast-track the procurement process. I am thankful for that,” pahayag ni Yorme.

Nanawagan ang alkalde sa publiko na patuloy na mag-ingat sa pamamagitan ng pagsunod sa mga health protocols kahit may mga parating nang bakuna.

“Parating na ang bakuna pero hindi pa rin tayo dapat maging kampante. Let’s keep practicing the health protocols mandated by the Department of Health and let’s keep refining our mass vaccination simulation exercises,” aniya.

Imahe mula sa Manila PIO

Handa si Yorme na maging unang residente ng Maynila na mabakunahan sa harap ng publiko upang matugunan ang problema sa mababang tiwala ng mga tao sa COVID-19 vaccines at maipakita na ligtas ang pagpapabakuna.

Imahe mula sa Manila PIO

Loading…