Mayor Vico sinagot ang netizen na duda sa kaniyang kakayahang labanan ang kurapsyon

Imahe mula sa Twitter
  • Pinagdududahan ng isang netizen ang kakayahan ni Mayor Vico na sugpuin ang corruption
  • Kasunod ito ng natanggap na parangal ng alkalde mula sa US State Department
  • Kaagad namang sinagot ng alkalde ang naturang netizen

Sinagot ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang isang netizen na tila hindi bilib sa kakayahan ng alkaldeng sugpuin ang talamak na katiwalian sa pamahalaan.

Kaugnay ito ng natanggap na pagkilala kay Mayor Vico bilang isa sa “12 International Anticorruption Champions” mula sa United States (US) Department of State kamakailan.

Ibinahagi kasi ng alkalde sa Twitter ang kaniyang pasasalamat sa US State department dahil sa natanggap na parangal.

Screenshot mula sa Twitter

“Thank you to the U.S. Department of State for this recognition. But more than the recognition, I hope this helps raise awareness,” ayon sa caption ng tweet ni Mayor Vico.

“If we want better long-term governance, we need to fight corruption. We have to denormalize it, get it out of our culture,” dagdag pa nito.

Subalit isang netizen ang nagkomento na mistulang pinagdududahan ang kakayahan ng alkalde na panindigan ang kaniyang sinasabi. Anito, “Di ka [pa] pinanganganak iho, iyan na ang problema sa Pilipinas!”

Hindi naman ito pinalampas ng alkalde at kaagad sinagot ang netizen.

Screenshot mula sa Twitter

“Pati naman po kayo, di pa po kayo pinapanganak, iyan na ang problema sa Pilipinas. Our problems have been ingrained in our government and culture for hundreds of years. Ngunit kung lalabanan natin, darating ang pagbabago, kahit paunti-unti,” sagot ng alkalde sa naturang tweet.

Marami namang netizens ang nagpahayag ng suporta at paghanga kay Mayor Vico.

Karamihan sa kanila ay naniniwalang ang alkalde ang siyang bagong uri ng politiko at public servant na kailangan ngayon ng bansa.

Tiniyak din nila na susuportahan ang batang alkalde sakaling tumakbo ito sa mas mataas na posisyon sa mga darating na taon.

Loading…