Mayor Vico Sotto, ginawaran ng US ng titulong “anti-corruption champion”

Imahe mula kay Mayor Vico Sotto
  • Ginawaran ng US ng titulong “Anti-corruption champion” si Pasig City Mayor Vico Sotto
  • Isa si Mayor Sotto sa labindalawang indibidwal na tumanggap ng International Anti-Corruption Champions Awards na inilunsad ng administrasyon ni US Pres. Joe Biden
  • Sinabi ng US State Department na si Mayor Sotto ang “standard bearer” ng mga bagong henerasyon ng mga politikong Pinoy

Kinilala ng administrasyon ni US President Joe Biden ang pamumuno ni Pasig Mayor Vico Sotto at ginawaran ng titulong “anti-corruption champion.”

Imahe mula kay Mayor Vico Sotto

Isa si Mayor Sotto sa labindalawang personalidad sa buong mundo na tumanggap ng International Anti-corruption Champions Award.

Sa pahayag ni United States Secretary of State Anthony Blinken, ang International Anti-corruption Champions Award ay inilunsad ng Biden administration upang bigyan ng pagkilala ang mga taong nagtatrabaho ng walang kapaguran, na kadalasan ay sa harap ng mga mabibigat na hamon, sa  pagtatanggol sa transparency, paglaban sa corruption at pagtitiyak ng pananagutan o accountability sa kani-kanilang bansa.

“Around the world, corruption threatens security and stability, hinders economic growth, undermines democracy and human rights, destroys trust  in public institutions, facilitates transnational crime, and siphons away public and private resources,” ani Sec. Blinken.

Imahe mula sa US State Department

Dagdag pa niya, magiging matagumpay lang ang Biden administration sa paglaban sa mga nabanggit niyang mga isyu kung ito ay makikipagtulungan sa mga committed partners, kabilang na ang mga matatapang na indibidwal na nagsusulong ng mga anti-corruption efforts, at mga bansang tinutupad ang kanilang pangako na masunod ang international anti-corruption standards.

Inilarawan ni Sec. Blinken si Mayor Vico Sotto bilang “standard bearer” para sa mga bagong henerasyon ng mga politikong Pinoy na inuuna ang anti-corruption at transparency initiatives sa kanilang kampanya sa halalan at sa kanilang panunungkulan.

“Sotto has sought to solidify his reputation as a fresh voice with a new, more transparent approach to governance,”sabi pa ng Secretary of State.

Samantala, masayang-masaya naman si Carla Mumar para sa ipinagmamalaking kapatid na si Mayor Vico.

Imahe mula kay Coney Reyes

Ibinahagi ng ina nilang si Coney Reyes sa kanyang social media account ang mensahe ni Carla para kay Mayor Vico.

“Proud of you @vicosotto! Thank you to your entire team who works with you and supports you!” mensahe ni Carla.

Nagbiro pa ito na maiiyak na naman ang nanay nila.

“Maiiyak na naman si Mama nito. Love you, Ma! @coneyreyes @lamumar @macymumar,” sabi ni Carla na anak ni Coney sa yumaong PBA basketball star na si Larry Mumar.

Loading…