Meat-on-wheels: Murang karne hatid ng isang NGO sa mga mamamayan

Imahe mula sa Malasakit Movement
  • Murang karne ang handog ng isang non-government organization sa mga mamamayan
  • Ang meat-on-wheels ng Malasakit Movement ay nag-iikot sa mga siyudad para magdala ng murang karne
  • Ang Malasakit Movement ay itinatag ni MMDA spokesperson Asec. Celine Pialago

Inilunsad ng isang non-government organization ang programa ng pagbebenta ng mga murang meat products sa Metro Manila.

Imahe mula sa Malasakit Movement

Ang Malasakit Movement, na ang founder ay si Metro Manila Development Authority spokesperson Asssistant Secretary Celine Pialago, sa pakikipagtulungan sa Department of  Agriculture at ng isang pribadong indibidwal na ayaw magpakilala, ay naglilibot sa mga local government units sa Metro Manila upang mabigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan na makabili ng mga karne sa mababang presyo.

Ayon kay Asec. Pialago, tinatayang nasa 500 hanggang 700 families sa bawat siyudad na pinupuntahan ang napagsisilbihan ng meat-on-wheels project.

“Every visit to a city, we can serve approximately 500 to 700 families. We only have limited supply so first come, first served. We tied up with a private proponent who wants to remain anonymous. This proponent just wants to provide affordable meat products to the public, especially now that prices of these products are high,” ani Asec. Pialago.

Imahe mula sa Malasakit Movement

Ang mga karne ay naka-pack ng tig-kakalahating kilo at puwedeng bumili ng kahit ilang kilo ang bawat buyer. Gayunpaman, nakiusap si Asec. Pialago na bumili lang ng sapat para sa pamilya upang mas maraming mamamayan ang makabili ng murang karne.

“But I am appealing to them to just buy meat products for their family as there are other people who need to purchase low-priced meat products,” aniya.

Imahe mula sa Malasakit Movement

Bago magtungo sa isang lugar ay nakikipag-ugnayan ang Malasakit Movement sa mga opisyal ng local government units upang masiguro na masusunod ang mga health protocols tulad ng social distancing at pagsusuot ng face mask.

Loading…