Medical expenses ng mga makararanas ng adverse reactions sa COVID-19 vaccine sasagutin ng PhilHealth

Imahe mula sa CNNPH
  • Sasagutin ng PhilHealth ang mga medical expenses ng mga makararanas ng adverse reactions sa COVID-19 vaccine
  • Hiniling ng mga COVID-19 vaccine manufacturers na magkaroon ng indemnification agreement bago i-deliver sa bansa ang mga bakuna dahil ayaw nilang makasuhan sa side effects ng bakuna
  • Target ng pamahalaan na mabakunahan ang 70 milyong mamamayan ngayong 2021 at tinatayang aabot sa 50,000 ang mabibigyan ng COVID-19 vaccine ngayong Pebrero

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na ang state health insurance firm na Philippine Health Insurance Corp o PhilHealth ang sasagot sa mga medical expenses ng sinumang makararanas ng adverse reactions kapag nabigyan ng COVID-19 vaccine.

Imahe mula sa DW

Ang pahayag ng DOH ay kasunod ng hiling ng mga COVID-19 vaccine manufacturers na magkaroon ng pirmahan ng indemnification agreement bago i-deliver sa bansa ang mga bakuna.

Diumano, ayaw ng mga manufacturers na makasuhan sila dahil sa side effects ng COVID-19 vaccine.

“All of the manufacturers want an indemnification agreement. Wala po dapat daw mag-charge ng any case against them dahil ang products are still under development.  It will be the government… Kung halimbawa, ang isang tao ay magkakaroon ng reaksyon, kung sakaling mao-ospital, ito po ay sasagutin ng gobyerno through PhilHealth,” ani Usec. Vergeire.

“Hindi lang hospitalization. Magkakaroon ng ibang forms of indemnification, fina-finalize lang ngayon. Inaayos lang… Kailangan lang tignan ang sources of funds natin,” sabi pa ni Dr. Vergeire.

Imahe mula sa PCOO

Nauna nang ipinahayag ni vaccine czar Sec. Carlito Galvez na ang mga COVID-19 vaccines na in-order ng bansa ay nai-deliver na sana noong Biyernes, ika-12 ng Pebrero, kung mayroon na raw indemnification law ang Pilipinas.

Nanawagan ang kalihim sa Kongreso na ipasa na agad ang indemnification law na required ng COVAX na pinanngungunahan ng World Health Organization, Gavi Alliance at Coalition for Epidemic Preparedness Innovations.

Imahe mula sa STR

Target ng pamahalaan na mabakunahan ang 70 milyong mamamayan ngayong 2021. Tinatayang aabot sa 50,000 ang mabibigyan ng COVID-19 vaccine ngayong Pebrero.

Loading…