Pinoy humor: Mel Tiangco binansagang ‘first Pinay on Mars’ ng Filipino netizens

Image capture from video by GMA News via YouTube
  • Mel Tiangco, binabansagan ng netizens bilang “first Pinay on Mars”
  • Sa tulong ng makabagong teknolohiya, nag-transform ang 24 Oras studio bilang ang planetang Mars
  • Nagmukha tuloy na nasa Mars si Mel na nagbabalita

May nauna na, Mars! Ngayon, bukas at magpakailanMars.

Humakot ng samu’t-saring reaksyon sa social media ang ulat ng 24 Oras kamakailan dahil sa paggamit ng makabagong teknolohiya kung saan ay nagmukha tuloy nagbabalita ang news anchor na si Mel Tiangco mula sa planetang Mars.

Image capture from video by GMA News via YouTube

Naisakatuparan ito sa tulong ng augmented reality graphics na ginagamit ng programa para makapagpalabas ng realistikong imahe.

Dito, nag-uulat si Mel kaugnay sa matagumpay na landing ng Perseverance rover ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) sa planetang Mars, kung saan ilang Filipino-American engineers ang naging bahagi ng matagumpay na landing.

Dulot nito, nag-trending ang studio, ginawang meme ng maraming netizens, at binansagan ng ilang netizens ang 24 Oras anchor bilang “first Pinay on Mars”.

Komento ng isa, “Congrats po, Tita Mel, as kauna-unahang Pinay sa Mars #proudpinoy.”

Saad naman ng iba pa, “When 24 Oras flexes their AR graphics, it’s definitely meme-worthy. Here’s Mel Tiangco anchoring live from Mars.”

May nagsabi pa ng, “Hahahahaha. History in the making si Tita Mel.”

Read: Give her N95 mask! Netizens ‘seek help’ to save Tita Mel who’s “stranded” while reporting on Taal Volcano eruption

Hindi ito ang unang pagkakataon na nag-trending si Mel Tiangco dahil sa high tech graphics mula sa 24 Oras.

Noong January 2020 ay nag-trending din ang studio dahil sa nag-transform ito bilang ang ‘Taal Lake’ kasama ang bulkan na naglalabas pa ng usok sa tabi mismo ng GMA News anchor.

Image by PGAG via Facebook

Matatandaang gumastos umano ng P63-million ang GMA Network para sa news set na una nilang ginamit sa kanilang coverage sa May 2019 elections.

Dinisensyo ito ng US-based company na FX Design Group na kilala sa kanilang cutting-edge technology na nakagawa na ng proyekto sa top broadcasters ng mundo.

Panoorin ang trending video mula sa GMA News sa YouTube:

Loading…