Menor de edad napilitang magdiwang ng kaarawan sa gilid ng kalsada sa Tagaytay dahil sa age restrictions

Screenshot mula sa GMA video
  • Napilitang ang menor de edad na ipagdiwang ang kanyang birthday sa gilid ng kalsada sa Tagaytay dahil sa age restrictions
  • Hindi sila pinapasok sa Palace in the Sky dahil bawal ang mga batang edad 14 pababa
  • Kahit ganoon ang nangyari ay masaya na rin ang onse anyos na batang babae dahil nakapag-bonding ulit silang tatlong magkakaibigan

Dahil sa age restrictions na ipinatutupad sa mga establisimyento sa Tagaytay City ay napilitang ipagdiwang ng isang onse anyos na batang babae ang kanyang kaarawan sa gilid ng kalsada.

Screenshot mula sa GMA video

Ayon kay Princess Huelva, kasama ang dalawang adults, ay nagtungo silang tatlong magkakaibigan sa Tagaytay upang ipagdiwang ang birthday niya sa isang establisimyento roon, subalit sarado ang lugar na gustong puntahan.

Nagpasya silang magpunta na lang sa Palace in The Sky na isa sa mga pasyalang dinarayo ng mga turista sa Tagaytay City, subalit hindi sila pinapasok dahil sa ipinatutupad na age restrictions kaugnay ng COVID-19 pandemic. Bawal umano pumasok doon ang mga may edad 14 pababa.

Walang nagawa ang grupo kundi sa kalsada na lang ipagdiwang ang birthday ni Princess.

Tangan ang isang cake na may isang kandilang nakasindi, inawitan si Princess ng Happy Birhthday song ng mga kaibigan.

Kahit ganoon ang nangyari, sulit pa rin naman daw ang pagpasyal nila sa Tagaytay dahil sa magagandang tanawin at malamig na klima. Ngayon lang daw ulit silang tatlong magkakaibigan nakapag-bonding.

Screenshot mula sa GMA video

“Kung mag-gala, kaming tatlo kasi magkakaibigan. Ngayon lang ulit kami nakapag-bonding tatlo. Dati hindi kami ano kasi lockdown. Bawal lumabas ‘yung bata,” sabi ni Princess.

Bukod sa grupo nila ay marami pang ibang turista ang nag-eenjoy sa pamamasyal sa Tagaytay dahil sa makapal na hamog at malamig na klima ng siyudad. Mas malamig daw ang simoy ngayon dito ng hangin kumpara noong Disyembre.

Screenshot mula sa GMA video

Ang mga vendors ay masaya rin dahil unti-unti nang bumabalik ang mga turista. Malaking dagok umano sa kanila ang pagputok ng Taal volcano at ang matagal na lockdown, subalit nakakabangon na sila ngayon dahil sa pagluluwag ng quarantine restrictions.

 

Loading…