Mga Hapon nag-react sa trailer ng Voltes V Legacy ng GMA

Screenshot mula sa Ryu World video via YouTube
  • Maraming mga Hapon ang humanga sa trailers ng Voltes V Legacy ng GMA
  • Ang Voltes V Legacy ay ang live adaptation ng orihinal na animated series na “Chodenji Machine Voltes V” mula sa Japan
  • Umaasa ang mga Japanese viewers na sana ay i-broadcast din sa Japan ang Voltes V Legacy

Pumukaw sa interes ng maraming manonood mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo ang trailers ng Voltes V Legacy na inilabas ng GMA.

Screenshot mula sa trailer ng Voltes V Legacy

Ang unang trailer na napanood noong nakaraang taon ay mayroon nang mahigit 3 millions views sa Facebook at YouTube, samantalang ang ikalawang trailer, na inilabas noong nakaraang buwan , ay humakot na ng mahigit isang milyong views sa YouTube mula sa mga excited nang fans ng orihinal na serye.

Kabilang sa mga na-excite sa nalalapit na palabas ng live adaptation ng animated series ang mga viewers mula sa bansang Japan kung saan orihinal na nagmula ang popular na robot anime. Marami sa kanila ang nagpahayag sa social media ng paghanga nila sa magandang pagkakagawa ng Voltes V Legacy. Sana raw ay ipalabas din ito sa kanilang bansa.

“I am Japanese. I also watched Voltes V when I was a kid. This is a great work! I would like you to broadcast this in Japan as well,” tweet ng isang Hapones.

Ipinaghambing naman ng Twitter user na si NegiKitsu ang larawan ng mga Pinoy cast ng Voltes V Legacy sa anime counterparts nila.

Imahe mula kay NegiKitsu via Twitter

“Many Japanese Voltes fans have praised the new trailers that have been released so far, raising expectations. As a Japanese in the country that gave birth to Voltes, I am proud of Voltes, who is loved in the Philippines and is a bridge of friendship between the two countries!” tweet naman ni @NakanoYoo.

Gumawa naman ng isang reaction video ang Japanese singer-rapper-vlogger na si Ryu.

Screenshot mula sa reaction video ni Ryu Japan

“Wow, looks so realistic. This looks so good … I’m amazed right now,” reaksyon ni Ryu sa ikalawang trailer ng Voltes V Legacy.

Si Mark Reyes ang director ng Voltes V Legacy. Malapit na itong mapanood sa GMA-7.

Loading…