Mga motoristang dumaraan sa RFID lane sa expressway na wala o kulang ang load pagmumultahin

Screenshot mula sa GMA video
  • Pagmumultahin na ang mga motoristang dumaraan sa mga RFID lane sa mga expressway na wala o kulang ang load ng RFID tag
  • Sinabi ng TRB na magpapatupad ito ng 3-strike policy – reminder, warning, P1,000 fine
  • Bago ipatupad ang pagpapataw ng multa ay magsasagawa ang TB ng malawakang information drive sa loob ng dalawang buwan

Magsisimula nang maghigpit ang Toll Regulatory Board (TRB) sa mga motoristang dumaraan sa mga expressway ngunit hindi wasto ang paggamit ng kanilang Radio Frequency Identification (RFID) tag na kadalasang nagdudulot ng pagsisikip ng trapiko sa mga toll plaza.

Imahe mula sa TRB

Plano ng TRB na magpatupad ng 3-strike policy. Sa unang paglabag ay paaalalahanan muna ang motorista na mag-load. Bibigyan na ng warning sa ikalawa at sa ikatlong paglabag ay pagmumultahin na ng isanlibong piso (P1,000) dahil sa disregarding traffic signs at obstruction.

Ang hakbang na ito ng TRB ay kasunod ng naging pahayag ng mga toll operators na maraming mga motorista ang dumaraan sa RFID lane na wala o kulang ang load ng kanilang RFID tag.

Ang Metro Pacific Tollways Corporation ang operator ng North Luzon Expressway (NLEX), Subic Clark Tarlac Expressway (SCTEX), Cavite Expressway (Cavitex), Cavite Laguna Expressway (CALAX). Easytrip RFID tag ang ginagamit sa pagdaan sa mga  RFID lanes nito.

Samantala ang San Miguel Corporation-operated tollways ay ang South Luzon Expressway (SLEX) Skyway, Ninoy Aquino International Airport Expressway (NAIAX), Tarlac Pangasinan La Union Expressway (TPLEX) at Southern Tagalog Arterial Road (STAR Toll). Autosweep RFID tag naman ang ginagamit sa mga expressway ng kumpanya.

Screenshot mula sa GMA video

“You will be surprised na ‘yung statistics po na binigay ng mga operators, mayroon po mga 50 times to 200 times pumapasok na walang load,” sabi ni TRB Chairman Garry De Guzman.

Aniya, sa ilang tollgate ay automatic nang nagbubukas ang barrier at mayroon ding wala nang barrier kaya nilalampasan na lang ito ng mga motorista nang hindi nagbabayad.

“Whether or not there is intention to do that on purpose, we have no data, we just know that many motorists – when their attention is called in the payment lanes – that is typically the response,” sabi pa ni De Guzman.

Imahe mula sa Auto Deal

Bago ipatupad ang pagpapataw ng multa ay magsasagawa ang TB ng malawakang information drive sa loob ng dalawang buwan.

 

Loading…