Mga obra ni Van Gogh ginawa sa kalangitan gamit ang 600 drones

Screenshot mula sa Guinness World Records video
  • Mga obra ni Vincent Van Gogh naiguhit sa kalangitan gamit ang 600 drones
  • Naitala ng EFYI Group at Tianjin University ang Guinness World Records title para sa longest animation performed by unmanned aerial vehicles
  • Para magawa ng mga drones ang mga imahe, gumamit ang EFYI Group ng high-precision positioning technology at synchronization technology

Nakuha ng isang kumpanyang gumagawa ng mga drones at katuwang nitong unibersidad sa China ang Guinness World Records title para sa longest animation performed by unmanned aerial vehicles gamit ang 600 drones.

Imahe mula sa Guinness World Records

Ayon sa Guinness World Records website, naitala ng EFYI Group na isang drone production company at ng Tianjin University ang bagong world record na 26 minutes and 19 seconds para sa drone performance.

Sa pamamagitan ng 600 drones ay naisalarawan sa kalangitan ang buhay ng pamosong impressionist painter na si Vincent Van Gogh, kabilang na ang ilan sa mga obra niya na kilala sa buong mundo.

Kabilang sa mga imaheng ginawa ng mga drone sa kalangitan ay ang self-portrait ni Van Gogh at ang mga obra niyang Wheat field with cypresses, Cypresses and two women, The Mulberry Tree in Autumn,The Starry Night, Starry Night Over the Rhône, Almond blossoms, Sunflowers (series) at Bedroom in Arles.

Magkakapareho ang modelo ng mga drones na ginamit – ang Agile Bee II na tumitimbang ng 1.45 kilograms at lumilipad sa bilis na 20 miles per hour. Kaya nitong tumagal sa ere ng hanggang 38 minutes.

Screenshot mula sa Guinness World Records video

Para magawa ng mga drones ang mga imahe, gumamit ang EFYI Group ng high-precision positioning technology at synchronization technology.

“To fashion the drones into these images, EFYI Group used high-precision positioning technology, along with synchronization technology to achieve “coordinated action,” ayon kay Zhao Shilei, ang product director ng EFYI Group.

Screenshot mula sa Guinness World Records video

Sinaksihan ni Maggie Luo, ang Guinness World Records adjudicator, ang buong proseso ng drone performance at matapos makumpleto ang review ay inanunsyo niya na nagtagumpay iyon para makapagtala ng bagong record.

Tunghayan ang nakamamanghang drone display video sa YouTube channel ng Guinness World Records.

Loading…