Mga pabirong banat posts ni Harry Roque hinggil sa Valentine’s Day, atbp. kinaaliwan

  • Umani ng iba’t ibang reaksyon ang mga patawa o pabirong posts ni Presidential Spokesperson Harry Roque
  • Patungkol ito sa pagiging pogi at date sa Valentine’s Day
  • Gumagamit siya ng hashtag na ‘#kalmaAkoLangTo’

Matapos ang social media post niya hinggil sa pagiging mainitin ng ulo ng mga “pogi” na pumapatungkol din sa kaniyang sarili, panibagong birong post na naman ang hatid ni Presidential Spokesperson Harry Roque na pumapatungkol naman sa nalalapit na pagdiriwang ng Valentine’s Day sa Pebrero 14, 2021.

Gamit ang hashtag na ‘#kalmaAkoLangTo,’ sinabi ngi Spox Roque na feeling niya, may gusto raw mag-aya ng date sa kaniya sa Valentine’s Day, ngunit nahihiya lamang magsabi.

Public Domain Image

“Feeling ko may gustong magyaya sa akin ng date sa Valentine’s, nahihiya lang talaga magsalita,” saad ng Presidential Spokesperson.

Hindi lamang iyan. Naging sunod-sunod din ang mga pabiro niyang banat posts. Isa na rito ang “Mabait lang talaga akong tingnan. In English, I’m just good looking #kalmaAkoLangTo.”

“Ang hirap talaga manligaw pag pogi ka, titignan mo pa lang sasagutin ka na #kalmaAkoLangTo,” isa pa niyang banat.

Isa pa, “Sayang ‘yang mata mo, walang pagtingin sa akin #kalmaAkoLangTo.”

At syempre, hindi naman ito pinalagpas ng mga netizens. Nagbigay sila ng kani-kanilang mga reaksyon at saloobin hinggil dito.

“Nakakapa ko po ang kakapalan hahaha, oo na lang kami, ikaw lang iyan eh, tama naman,” saad ng isa.

Turan naman ng isa, “Ang lakas makapang-asar no? Imbes na matuwa ka, maiinis ka lang, at maiiyak ka na lang sa gigil. Diyos ko, kailan ba titino ang mga opisyal na ito?”

“Harry Roque is rich, famous, and powerful unlike before, when he was still practicing his craft, defending incapable people. This is the definition of success for many Filipinos. Sell your morals and dignity for money, security, and comfort,” matapang na komento naman ng isa.

Public Domain Image

Wika naman ng isa, “Mahirap ang trabaho ni Roque, infairness. I’m sure naman may mga thoughts at sinasabi ang amo niya na hindi niya bet, pero wala siyang choice kundi ipagtanggol ito. Pero ang punto, kung alam mong masasagasaan naman ang mga prinsipyo mo, bakit mo naman tatanggapin?”

“Masyado kayong serious, nagpapatawa lang naman ‘yung tao, ganiyan din naman tayo kapag stressed sa work, hindi ba? Pagbigyan n’yo na lang,” pahayag naman ng isa.

Ikaw, anong masasabi mo sa mga patawang posts ni Presidential Spokesperson Harry Roque?

Loading…