Mga sasakyan naispatang nakaparada sa bike lane sa Commonwealth

  • Ipinakita ng isang biker ang sitwasyon ng bike lane sa Commonwealth Avenue sa Quezon City
  • Makikita sa mga larawan na imbes na mapakinabangan ito ng bikers, ito ay ginawang “parking lane”
  • Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens

Sabi nga, ang isa sa mga pinakasusi upang umunlad ang isang bansa ay ang mga disiplinadong mamamayan—marunong sumunod sa batas at nakauunawa sa mga simpleng patakaran, lalo na sa mga lansangan.

Kaya naman, nadismaya ang isang biker na nagngangalang “Alvin” matapos niyang ipakita sa kaniyang Facebook post ang mga naghambalang na private vehicles sa bicycle lane, sa Commonwealth, Quezon City. Kitang-kitang sa halip na madaanan ng mga nagbibisikleta ang inilaang lane sa kanila, nakaparada rito ang mga mamahaling sasakyan.

Imahe mula sa Facebook account ni Alvin Aguilar Dalida

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Dapat kasi yata kapantay ng sidewalk ang bike lane, lagyan ng concrete curb and gutter para hindi makasampa mga hinayupak na mga sasakyan na ‘yan!” pahayag ng isa.

Turan naman ng isa, “All these are because of the poor governance and management. Sana naman po maglagay ng mga tao sa lugar na iyan para mapaalalahanan ang mga nakakalimot.”

“Tapos kapag nasa gitna yung mga nakabisikleta, mga motorista pa ang galit, sasabihin nila gumilid kayo, eh paano ka naman makakagilid kung ganiyang ginawang parking lane ang bike lane? Mag-isip-isip naman po tayo guys!” pahayag naman ng isa.

“Wika naman ng isa, “Ganiyan nga rin ang nakikita namin sa lugar na ‘yan. Kaya maraming naaaksidenteng nagbibisikleta eh. Saka kaya hindi umuunlad ang Pilipinas dahil sa mga taong walang common sense. Alam na ngang bike lane, doon pa sila magpaparada. O baka naman hindi nila talaga alam na bike lane ‘yan?”

Imahe mula sa Facebook account ni Alvin Aguilar Dalida

Ang bike lane ay inilaan sa mga kababayan nating piniling gumamit ng bisikleta bilang paraan ng kanilang transportasyon, patungo sa kanilang mga trabaho o iba pang mga lugar na kailangang puntahan. Malaking bagay ito lalo na sa mga nagtitipid. Kaya para sa mga may sasakyan, maging aware po sana tayo sa mga lugar na maaari nating gawing parking.

Source :

Facebook

Loading…