Miguel Tanfelix gaganap na Steve Armstrong sa Voltes V Legacy; Ysabel Ortega bilang si Jamie Robinson

Image by Voltes V: Legacy via Facebook
  • Miguel Tanfelix, gagampanan ang papel na Steve Armstrong sa Voltes V: Legacy
  • Si Steve Armstrong ang team leader ng Voltes V at piloto ng Volt Cruiser
  • Inanunsyo na rin  ang pagkakapili kay former Kapamilya actress Ysabel Ortega para gampanan ang papel na Jamie Robinson

Si Kapuso actor Miguel Tanfelix ang gaganap sa papel na Steve Armstrong sa inaabangang Philippine adaptation ng Voltes V na tatawaging Voltes V: Legacy. Ito ay inanunsyo sa 24 Oras nitong Miyerkules, February 20.

Image by Voltes V: Legacy via Facebook

Ayon sa pamosong Japanese anime, si Armstrong ay mahusay na marksman, motocross champion at ace pilot kaya’t siya ang magiging team leader ng Voltes V at piloto ng Volt Cruiser (head) ng pamosong robot.

Hindi ito ang unang pagkakataong gagawa ng proyekto si Miguel sa Japanese anime yamang siya ang nag-voice-over kay Richard Hartford sa robot anime na Daimos noong 2017.

Ang pagganap sa papel na Steve ay masasabing siyang pinakamalaking papel na gagampanan ni Miguel sa kanyang showbiz career makaraan ang matagumpay na pagganap sa iba pang Kapuso shows kagaya ng Encantadia, Kambal Karibal at Sahaya.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na mahihiwalay si Miguel sa paggawa ng teleserye sa dating ka-love team na si Bianca Umali, na bida sa isa pang upcoming GMA soap na Legal Wives.

Suportado naman ng maraming netizens ang pagkapili kay Miguel sa role yamang bago pa man maipalabas ang listahan ng cast ng show ay marami na ang nagsa-suggest na ibigay sa kanya ang role.

Image by Voltes V: Legacy via Facebook

Ysabel Ortega bilang si Jamie Robinson

Inanunsyo din noong Miyerkules ang pagkapili kay former Kapamilya actress Ysabel Ortega para gampanan ang papel na Jamie Robinson, ang nag-iisang babae sa grupo.

Basahin: Meet the ‘Little John, Big Bert and Mark’ of GMA’s Voltes V: Legacy

Noong February 8, 2021 ay naunang inanunsyo ng GMA ang mga gaganap sa mga papel na Matt, Big Bert at Little John. Ito’y sina Radson Flores, Eat Bulaga’s Spogify winner Matt Lozano, at Raphael Landicho, respectively.

Ia-anunsyo naman ng GMA sa Biyernes, February 12, ang mga bubuo sa Boazanian forces na siyang magiging mahigpit na katunggali ng Voltes V team.

Image by Voltes V: Legacy via Facebook

Loading…