“MOthers for CHAnge”: Mocha Uson may bagong adbokasiya para sa mga solo moms

  • “MOthers for CHAnge” – Iyan ang naisip na bagong adbokasiya ni Mocha Uson matapos maisyung buntis siya
  • Para daw ito sa kapakanan ng mga babaeng solo o single moms

May bagong adbokasiya ang Deputy Executive Director of the Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na si Mocha Uson matapos madawit sa isyu na nabuntis umano siya ng isang kilalang aktor sa showbiz; bagay na kaniya namang pinabulaanan.

Dahil dito, naisipan niyang isulong ang pagsuporta sa mga single moms na maaaring nagnanais na  makabangon at maitaguyod ang kaniyang mga anak.

Public Domain Image

“Nais kong tulungan ang mga single mom, ito man ay dahil sa nagkamaling pag-ibig sa maling lalaki, o ‘di kaya’y nahiwalay sa kanilang asawa, kasalanan man nila o kanilang mga asawa. Atin pong tatawagin itong MOCHA- MOthers for CHAnge!” saad ni Uson.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Eh paano naman ‘yung mga single dad! FACHA – FAther for CHAnge. Dapat pantay-pantay! Walang maiiwan!” saad ng isa.

Turan naman ng isa, “For me ha, let’s not dive into who’s the father or judge her kasi nabuntis siya. It is not our business anymore. What pisses me off is many people are so passionate in minding others businesses. We should support single moms coz it’s hard to build a home without the father.”

“Honestly, I don’t think she’s pregnant. She’s probably too smart for that sort of thing. The rumor was just an issue and apparently started ng mga kalaban niya which has no basis. Yet, true or not, it’s not our concern anymore. Pero maganda ‘yang MOCHA mo,” sabi naman ng isa.

Public Domain Image

Wika naman ng isa, “Number 1 Mocha hindi ka nanay! At publicity lang ‘yang buntis news mo para maka-connect ka lang sa mga target supporters ninyo in which ang mga nanay, Diyos ko, mga nanay, maawa kayo sa dignidad ninyo kung ito lang naman si Mocha ang mascot ninyo.”

Ikaw, bet mo ba ang MOCHA o MOthers for CHAnge ni Mocha?

Source :

News 5, MSN, Wikipedia

Loading…