Mt. Apo posibleng ipasara muli ng DENR dahil sa kalat, vandalism

  • Nagbabala ang DENR na ipasasara ang Mt. Apo dahil sa kalat at vandalism
  • Nilabag din umano ang ipinatutupad na guidelines sa bundok
  • Inaatas na ng DENR ang mahigpit na pagpapatupad ng environmental laws sa lugar

Nagbabala ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na posibleng muli nilang ipasara ang Mount Apo dahil sa paglabag ng ilang hikers sa ipinatutupad na guidelines doon.

Ito ay matapos magsagawa ng trail and camp assessment nitong Pebrero 11 hanggang 14 ang ilang opisyal ng DENR XI kasama ang iba pang opisyal ng Davao del Sur at Davao Oriental.

Screenshot mula sa Facebook-DENR

Kabilang sa nadiskubre ay ang hindi pagsunod sa proper waste disposal sa mga daan at campsites pati na ang vandalism sa kapaligiran nito tulad ng mga boulders pati na ang crater mismo.

Ipinaalala rin ng DENR na ang labis na pag-iingay sa campsite ay nakaiistorbo sa mga wildlife at iba pang mga hikers. Maliban dito nakaaalarma rin umano ang mga nakitang ‘cultivation’ sa tinaguriang ‘Strict Protection Zone’.

Hindi rin daw nasunod ang IATF guidelines na naglilimita sa 25 hikers per day lamang mula sa dating 50 noong normal pa ang sitwasyon.

Mayroon din umanong nakita ng mga bakas ng ipinagbabawal na substance sa mga trail lalo na yaong patungong crater at sa tuktok ng bundok.

Imahe mula sa Facebook-DENR

Dahil dito, ipinag-utos na ni Regional Executive Director Bagani Fidel A. Evasco sa mga lokal na opisyal ang mahigpit na pagpapatupad ng guidelines at environmental laws.

“If left unabated, the closure of Mt. Apo might be possible in the coming days, when necessary, in order to pave the way for the immediate rehabilitation of the Natural Park’s Trails and Campsites,” babala ng ahensiya.

“We assure the public that the DENR, under the leadership of the current administration urged all stakeholders in Mt. Apo Natural Park to cooperate collaboratively and unite for the betterment of our Nation’s Highest Peak and ASEAN Heritage Site,” giit pa ng DENR.

Loading…