Nagtahan Flyover nakitaan ng mga bitak, mga truck off limits muna

Imahe mula sa MMDA
  • Nakitaan ng DPWH ang Nagtahan Flyover ng mga bitak at iba pang pinsala
  • Simula sa February 20, 2021 ay off limits muna sa flyover ang mga trucks at trailers
  • Mananatili namang bukas ang tulay para sa mga light vehicles hanggang makumpleto ang repair

Pansamantalang ipagbabawal ang pagdaan ng mga truck at trailer sa Nagtahan Flyover sa Maynila simula sa ika-20 ng Pebrero batay sa rekomendasyon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) matapos makita ang mga bitak at iba pang pinsala sa naturang istruktura.

Imahe mula sa PhilToyota

Sa isang traffic advisory na inilabas ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang Nagtahan Flyover ay kabilang sa listahan ng DPWH ng mga tulay sa Metro Manila na kailangan nang kumpunihin.

Hindi muna maaaring dumaan ang mga malalaking truck upang mabawasan ang bigat na dinadala ng tulay.

“Starting February 20, trucks and trailers shall be prohibited from traversing Nagtahan Flyover in Manila City following recommendations of the Department of Public Works and Highways (DPWH) to reduce its load limit,” ayon sa MMDA.

Mananatiling bukas ang flyover para sa mga light vehicles hanggang makumpleto ang gagawing pagre-repair sa mga pinsala nito.

Screenshot ng MMDA traffic advisory

“According to the DPWH, several cracks were found on the wing wall, concrete pedestal of the steel railings, and circular joint jackets. Thus, trucks and trailer trucks will have to use alternative routes to prevent intense damage and untoward incidents,” saad pa ng MMDA traffic advisory.

Nagbigay ng mga alternatibong ruta ang MMDA para sa mga truck.

Screenshot mula sa CNN PH video

Ang mga mabibigat na sasakyang southbound ay maaaring dumaan sa Earnshaw Street, Legarda Street, Ayala Street at P. Burgos Street patungo sa Roxas Boulevard.

Ang mga northbound trucks naman ay maaaring dumaan sa Quirino Avenue patunong Roxas boulevard o kaya ay sa Quirino Avenue Extension hanggang United Nations Avenue upang makarating sa Roxas Boulevard.

Source :

Facebook, PNA

Loading…