Napuntahan mo na ba ang malaking estatwa ni Padre Pio sa Bulacan?

  • May monumento pala ni Padre Pio sa Bulacan?
  • Ito ay tinatawag na “Padre Pio Mountain of Healing” na isang lugar para sa pilgrimage
  • Si Padre Pio ay naging ganap na santo noong 2002

Ilang buwan na lamang at nalalapit na naman ang paggunita sa Semana Santa. Ito ang panahon para sa mga Katoliko upang magmuni-muni at magnilay-nilay, na kinakailangan ngayon dahil sa kasalukuyang pandemya at iba pang mga suliraning kinahaharap sa personal at lipunan.

Kung papayagan na ang mga pilgrims at mananampalatayang Katoliko na magtungo sa mga pilgrimage o maituturing na “holy spot” sa Pilipinas, maaaring puntahan at isama sa listahan ang “Padre Pio Mountain of Healing” sa Barangay Paradise 3 sa San Jose Del Monte, Bulacan. Nitong Enero 2021 ay muli itong itinampok sa Facebook page na “Biyahe ni Kuys EJ.”

Public Domain Image

“Padre Pio in San Jose Del Monte, Bulacan.  A mountain of healing. The 50-foot statue of St. Padre Pio in Bulacan stands at the Padre Pio Mountain of Healing. This is found at Barangay Paradise 3 in the City of San Jose Del Monte,” saad sa caption.

Si Padre Pio, na kilala rin sa pangalang “Saint Pio of Pietrelcina” ay isang Italyanong pari,  na ngayon ay isa nang ganap na santo ng Simbahang Katolika.  Ang Pietrelcina, ay isang bayan sa lalawigan ng Benevento, na matatagpuan naman sa Southern Italian region ng Campania.

Nakilala si Padre Pio dahil sa paglitaw ng “wounds of stigmata” o mga sugat na natamo ni Hesukristo sa kaniyang mga palad nang siya ay ipako sa krus ng kalbaryo. Nakapagtatakang amoy-pabango at rosas din ang mga sugat na ito, isang phenomenon na kinilala ng Simbahan bilang  “odor of sanctity.”

Nakapagtataka rin na makalipas ang maraming mga taon ay nananatili pa ring buo ang kaniyang mga labi; hindi ito nabulok kagaya ng nangyayari sa mga namayapa na. Kaya naman, naka-display ang kaniyang mga labi sa San Giovanni Rotondo sa Italya.  Noong Hunyo 16, 2002, idineklarang santo si Padre Pio.

Public Domain Image

Samantala, ang monumento ni Padre Pio sa Bulacan na may 50 talampakan ay maihahalintulad din sa sikat na monumento ng “Christ the Redeemer” sa Rio De Janeiro, Brazil, at sa “Kamay ni Hesus Shrine” sa lalawigan naman ng Quezon, dito sa Pilipinas.

Loading…