NCR mayors tutol sa reopening ng mga sinehan; OCTA Research sinabing posibleng superspreader ang sinehan

Imahe mula sa SM Cinema
  • Tutol ang mga Metro Manila mayors sa reopening ng mga sinehan at game arcades
  • Sinabi ni Parañaque Mayor Edwin Olivarez na walang konsultasyong naganap hinggil sa desisyon ng IATF para sa muling pagbubukas ng mga ito
  • Sinabi ng OCTA Research na posibleng maging superspreader ng COVID-19 ang mga sinehan

Nagpahayag ng pagtutol ang mga mayor ng National Capital Region (NCR) o Metro Manila sa desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases na payagan na ang mga sinehan na muling magbukas simula sa Lunes, February 15.

Imahe mula sa Twitter

Sinabi ni Parañaque Mayor Edwin Olivarez, ang chairman ng Metro Manila Council na kinabibilangan ng mga alkalde ng NCR, na nangangamba sila na pagmulan ng COVID-19 transmission ang muling pagbubukas ng mga enclosed establishments tulad ng mga sinehan.

Aniya, walang konsultasyon na ginawa bago nagdesisyon ang IATF na payagang magbukas ulit ang mga naturang establisimyento.

“Ang isang napansin lang po namin dito ay tungkol sa sinehan kasi hindi po nagkaroon ng proper consultation po tungkol po sa specifics tungkol sa sinehan. Alam naman po natin ang sinehan, enclosed po ‘yan at mahigit po na isang oras sa gathering sa enclosed at air-conditioned. Magkakaroon po kami ng reservations, baka mag-appeal po kami sa IATF regarding po dito sa pagbubukas ng sinehan,” pahayag ni Mayor Olivarez.

Bukod sa sinehan ay may pangamba rin ang mga alkalde sa reopening ng mga video and inter-active arcades.

Imahe mula sa Arcade Heroes

“’Yan po ‘yung isa pa naming apprehension, kasi halos dikit-dikit po ‘yan at enclosed ‘yun. At alam po natin na hindi pa po pinapayagan ang mga bata para po lumabas,” sabi pa ng alkalde.

Kaugnay nito, sinabi ng OCTA Research member na si Dr. Guido David na posibleng maging superspreader ng COVID-19 ang mga sinehan.

“Cinemas are possible superspreader event since many people will have to stay for two hours, and some moviegoers will eat popcorn. If someone is infected with the virus, it is possible after the movie, you will be infected, especially with the UK variant,” aniya.

Imahe mula sa The Daily Meal

Umaasa ang OCTA Research na muling pag-isipan ng IATF ang desisyon hinggil sa pagbubukas muli ng mga sinehan.

Source :

Inquirer, Tribune

Loading…