NEDA inirekomenda kay Pres. Duterte na ilagay sa ilalim ng maluwag na MGCQ ang buong Pilipinas

Imahe mula sa Manila PIO
  • Inirekomenda ng NEDA kay Pres. Duterte na isailalim sa MGCQ ang buong Pilipinas
  • Ito ay upang mabalanse raw ang aksyong ginagawa ng gobyerno para mahinto ang pagkalat ng COVID-19 at ang pangangailangan ng mga Pilipino na muling kumita at gumasta
  • May iba pang mungkahi ang Neda, kabilang dito ang payagang makalabas ng bahay ang mga mamamayang ang edad ay 5 hanggang 75

Inirekomenda ng National Economic Development Authority (NEDA) na ilagay sa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ), ang pinakamaluwag na klasipikasyon ng community quarantine, ang buong bansa simula sa ika-1 ng Marso ngayong taon.

Imahe mula sa NEDA

Ito ay upang mabalanse raw ang aksyong ginagawa ng gobyerno para mahinto ang pagkalat ng COVID-19 at ang pangangailangan ng mga Pilipino na muling kumita at gumasta.

Ang pagsasailalim ng buong Pilipinas sa MGCQ ay isa lang sa mungkahi ng NEDA na inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Ayon kay NEDA Director General Karl Chua, ipapa-approve pa umano ang mga naturang mungkahi kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“Kailangan po nating mag-shift sa lalong madaling panahon sa MGCQ for the entire Philippines, sana starting March 1, 2021 para i-address po ‘yong hunger o yung mataas na antas ng mga Pilipinong nagugutom,” wika ni Chua sa isang televised briefing.

Aniya, umabot sa P1.04 trillion ang nawalang income ng Pilipinas noong 2020 o katumbas ng P2.8 billion kada araw dahil sa quarantine restrictions na ipinatutupad simula pa noong March 2020.

Screenshot mula sa PTV video

On average, ang nawalang income sa isang taon ng bawat mangagawa ay P23,000.

“Ang recommendation po namin, dapat ibalanse natin. Di naman po natin sinasabi na ibukas lang po natin ang ekonomiya at ‘wag na nating pakialaman ‘yong COVID-19 cases. Kailangan po natin both at nakita po natin, nagbukas po tayo last October at dumaan po ang Christmas vacation, ‘di naman po umakyat ang COVID cases,” paliwanag ni Chua.

“The main reason po is gusto na nating ma-mitigate o mabawasan ‘yong sickness, hunger, poverty, job and income loss that are arising from non-COVID cases,” sabi pa niya tungkol sa mungkahing MGCQ para sa buong bansa.

Screenshot mula sa YouTube video

Bukod sa nationwide MGCQ, imunungkahi rin ng NEDA na itaas sa 75% ang papayagang capacity ng mga public transportation, maglagay ng mga bike lanes, payagang makapag-operate ang mas maraming provincial buses, payagang makalabas ng bahay ang mga may edad mula 5 hanggang 75.

Iminungkahi rin nito na ituloy ang natigil na pilot-testing ng face-to-face classes sa mga low risk areas.

 

Source :

CNN PH, Inquirer

Loading…