Negosyo ba ang hanap mo? Apply na ng ‘Mister Donut on Wheels’ franchise

Imahe mula sa Mister Donut
  • “Mister Donut on Wheels” innovative franchise package inilunsad ng Mister Donut
  • P650,000 ang franchise cost kasama na ang franchise fee, signages and murals, equipment, permits at ibang documentation at fabrication
  • Hiwalay na bibilhin ng negosyante ang multi-cab o L300 van
  • Isa’t kalahating taon lang o mas maaga pa ang inaasahang return on investment

Inilunsad ng Mister Donut ang innovative franchise package na tinawag nitong “Mister Donut on Wheels” upang palawakin ang naabot ng kanilang produkto hanggang sa mga probinsya kung saan wala pa itong outlets.

Imahe mula sa Mister Donut

Sa puhunang P650,000 ang mga entreprenyur mula sa Zambales, Ilocos Sur, Aurora, Quezon, Cebu, Leyte at Zamboanga ay maaari nang makapagsimula ng negosyong subok na kumikita kahit na ngayong panahon ng pandemya.

“Before the pandemic, Mister Donut on Wheels is just complementary to a franchisee’s physical store. On a daily basis it goes from one community to another to conduct selling activities,” ayon kay Cherryl Carino, ang franchise management head ng Mister Donut .

Sabi pa ni Carino, lumakas daw ang Mister Donut on Wheels nang magpatupad ng community quarantine sa bansa at nalimitahan ang galaw ng mga tao.

“When quarantine protocols were implemented because of the COVID-19 pandemic, Mister Donut on Wheels became relevant as an independent business format because of its capacity to go where customers are and sell doughnuts, baked goods, coffee mixes, bottled water and frozen meal items that are ready to cook or ‘just heat-and-serve meals’ in areas where people have limited mobility,” aniya.

Imahe mula sa Mister Donut

Kasama na sa puhunang P650,000 ang franchise fee na P54,000,  ang signage at murals, equipment, permits at iba pang documentation, at ang fabrication ng Mister Donut on Wheels. Hindi kasama rito ang sasakyan. Kailangang hiwalay na bilhin ng negosyante ang multi-cab o L300 van.

“Availees of the multicab and L300 Mister Donut on Wheels franchise package can also opt to upgrade it to a fleet franchise. The franchisee can station the multicab or L300 van-type Mister Donut on Wheels in the market or other areas with high foot traffic,” aniya.

Imahe mula sa Mister Donut

“To widen the coverage, the franchisee has the option to set up another Mister Donut on Wheels either on a trike, e-bike, racal, or buddy trailer, which can go around the communities. No additional franchise fee will be charged for these complementary types of Mister Donut on Wheels,” dagdag pa niya.

Mamumuhunan ang franchisee ng karagdagang P180,000 para sa trike type at P250,000 para sa racal type.

Imahe mula sa Mister Donut

Ang mga may multi-cab o L300 van Mister Donut on Wheels ay nakakabenta raw ng P8,700 kada araw at dumodoble ito kapag may espesyal na okasyon. Sa loob lang ng isa’t kalahating taon o mas maaga pa ay posibleng mabawi na ang ipinuhunan.

Samantala, ang kanilang pinaka-latest na anunsiyo  sa kanilang Facebook page:

Attend our business presentation on March 3, 2021, 2:00pm
Email [email protected] or Call 09178896148 to get your Google-Meet invite.

Loading…