Netizen kinain ang fast food order ng nag-away na mag-jowa

  • Naghatid ng katatawanan ang isang netizen sa isang sikat na fast food chain
  • May nag-away raw na magkasintahan kaya hindi na kinain ang mga naorder na pagkain
  • Sinamantala niya ang pagkakataon at kinain ito

Ang pag-aaway ng magkasintahan o mag-jowa sa isang pampublikong lugar ay nakalulungkot masaksihan, subalit para sa isang netizen, isa itong malaking biyaya.

Itinampok ng isang Facebook page na nangngangalang “Naga City TV” ang post ng isang ‘di-nakilalang netizen kung saan nakasaksi umano ito ng pag-aaway ng isang couple sa isang sikat na fast food chain. Umorder na raw ng pagkain ang magkasintahan, subalit nag-away nga sila.

Imahe mula sa Facebook page na Naga City TV

Ang ending tuloy, umalis ng naturang fast food chain ang magkasintahan. Naiwan ang kanilang mga ‘di nagalaw na pagkain. Nagkataon namang “abangers” ang naturang netizen. Matapos matiyak na hindi na babalik ang mag-jowa, kinain na lamang niya ang mga pagkain nila! Kaysa nga naman maitapon, ‘di ba?

“May nag-away na mag-jowa. Hindi na bumalik. ‘Yun kinain ko. Sarap. Salamat sa mag-jowa,” saad ng netizen. Napa-sana all pa siya at inasam na sana ay laging may nag-aaway para may makakain ulit sa susunod.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Ikaw na sakalam kuya! Grabe! paano pala kapag bumalik ang mag-jowa? Babayaran mo iyang lahat hahaha,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Tapos bumalik pala sila . Nahiya lang balikan ‘yung pagkain kasi may nakitang makapal na mukha na kumakain ng order hahahaha.”

“Nag-away sila kasi natuklasan nilang may COVID-19 yung isa… oh ano ka ngayon?” pabirong banat ng isa.

Wika naman ng isa, “Ganito na lang gawin natin oh, hanap tayo ng may nag-aaway na mag-jowa para makatipid tayo HAHAHAHA. Tapos pag-uwi natin wala na tayong panlasa.”

Imahe mula sa Facebook page na Naga City TV

“Kung totoo man ito, naku hindi po magandang ginagawa iyan, baka mamaya may virus na ‘yung pagkain, o baka mamaya balikan nila, paano pa sila kakain kung kinain na hahaha,” pahayag naman ng isa.

Ikaw, matibay ba ang iyong sikmura upang gawin ito?

Source :

Facebook

Loading…