Netizen may panawagan sa publiko: Habang nariyan pa sila, mahalin ang mga lola at lolo

  • Binigyang-pugay ng isang apo ang kaniyang lola
  • Nag-iwan din siya ng isang paalala sa publiko
  • Mahalin ang mga lola’t lolo habang nariyan pa sila

Maraming nagsasabi na naiiba talaga ang pagmamahal ng mga lola at lolo sa kani-kanilang mga apo. Kung paanong pagmamahal ang inialay nila sa kani-kanilang mga anak, ibayong pag-aaruga naman daw ang ipinagkakaloob nila sa anak ng kani-kanilang mga anak.

Kaya naman, may panawagan sa publiko ang apong si Cyrus Cartina, na idinaan niya sa kaniyang Facebook post. Hinggil ito sa ating mga lola at lolo na walang sawang ibinibigay ang kanilang pagmamahal at sakripisyo para sa kani-kanilang mga apo. Sana raw ay iparamdam natin sa kanila ang pagtangi at pagpapahalaga habang nariyan pa sila.

Imahe mula sa Facebook account ni Cyrus Cartina

“My lola told me ‘Nak, ipaglatag na kita, dito ka na matulog para ‘di ka na natutulog sa ibang bahay. ‘ Hindi kuwarto o mamahaling higaan but sobrang nakaka-touch. Kung paano mag-care yung lola ko at kung paano niya kami mahalin,” saad niya.

“Kahit wala na siya basta meron kami at kahit maliit na bagay lang ang naibibigay sa amin ay sobrang pinagpapasalamat ko na, imbis na kami yung nag-aabot, siya pa rin. Kaya habang buhay pa yung mga lolo at lola ninyo, iparamdam ninyo rin sa kanila yung pagmamahal na ibinibigay nila sa inyo, kasi hindi habambuhay kasama natin sila.”

Kalakip ng naturang post ang dalawang larawan ng kaniyang lola, na makikitang inaayos ang kaniyang hihigaang foam na ipinatong sa plastic na sofa.

Marami sa mga netizens ang nakaugnay naman dito.

“Iba talaga ang care ng mga lola sobrang mararamdaman mo ‘yung pagmamahal, mas better pa silang magmahal, swear,” saad ng isa.

Public Domain Image

Patunay naman ng isa, “Alam ng mga lola/lolo’s boy ‘tong pakiramdam ng ganito. Yung sobrang late ka na uuwi tapos magugulat ka gising pa sila kasi hinihintay ka nilang makauwi. To my lola in heaven, I miss you so much, miss ka na ng paborito mong apo.”

“I salute you Lola! It was an inspiring story to all the readers, buti pa nga sila may lolo at lola na, pero ako never kong na-experience ‘yun, kasi when I was 1 year old wala na sina Lola’t Lolo,” pagbabahagi naman ng isa.

Kaya naman, magsilbing-aral at paalala sana ito sa atin, na habang nariyan ang mga lolo’t lola natin, “make the most out of it!”

Loading…