Netizen may reaksyon hinggil sa puwesto ng mga plastic dividers sa mga fast food chains

  • Naglabas ng saloobin ang isang netizen hinggil sa obserbasyon niya sa puwesto o placement ng mga plastic dividers sa loob ng fast food chains
  • Pinapayagan na kasi ang dining in o pagkain sa loob ng mga ito
  • Bahagi ng health protocols at precautionary measures ang paglalagay ng mga plastic dividers sa pagitan ng mga mesang kainan

Sa unti-unting pagluluwag ng klasipikasyon ng community quarantine sa bansa, isa sa mga industriyang unti-unting bumalik ay ang mga kainan o food services. Pinayagan na ang mga dine-in sa mga fast food chains, basta’t mahigpit lamang na susundin ang mga health protocols, gaya ng paglalagay ng mga plastic dividers sa mga mesang kainan.

Iyan ang kinomentuhan ng isang netizen na nagngangalang “Paul” sa kaniyang Facebook post.

“Nagtataka” siya kung bakit ganoon ang set up ng mga plastic dividers sa mga mesa. Dapat daw, kung magkasama naman ang pumasok sa loob ng establishment, hindi na dapat pang lagyan nito; dapat ang dibisyon ay nasa pagitan ng mga mesa ng mga hindi magkakasama o mga customers na estranghero sa isa’t isa.

Imahe mula sa Facebook account ni Paul-Gino Buenaventura Guevarra

“Natatangahan ako sa ganitong harang. Tatakpan mo ‘yung magkasama sa kotse, magkasama maglakad sa mall, magkasama pumasok sa resto at magkasama kakain?” aniya, kalakip ang halimbawang larawan.

Dagdag pa, “Tapos yung kabilang table na hindi naman mga magkakilala, walang harang? Hindi ba dapat yung barrier is from one table to another table? What are the chances na 2 strangers will share the same table? Para harangan sila from each other?”

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Among many other things. Good luck, Philippines sa mga nakapagtataka nating mga rules. Isa pa, ibabalik ang face-to-face classes gayong wala pa ngang vaccines, saka mataas pa ang kaso. Eh ‘di nasayang ang mga lockdowns? Naunahan pa nga tayo ng Bangladesh!” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Mapapa-‘haynaku’ ka na lang talaga! God bless the Philippines, Lord!”

“May point naman talaga. Pero baka kasi inisip nila, paano kapag walang-wala na talagang maupuan? Syempre walang choice yung tao kundi makiupo, kahit stranger yung kaharap niya,” wika naman ng isa.

Imahe mula sa Facebook account ni Paul-Gino Buenaventura Guevarra / Public Domain Image

Ikaw, ano ang reaksyon o komento mo hinggil dito?

Source :

Facebook

Loading…