OCTA naalarma sa panukalang nationwide MGCQ at luwagan ang age restrictiions

Imahe mula sa Manila PIO
  • Naalarma ang OCTA Research group sa mga panukala ng NEDA na nationwide MGCQ at luwagan ang patakaran sa edad ng mga mamamayan na papayagang makalabas
  • Delikado pa umano ang pagluluwag sa community quarantine dahil tumataas pa rin ang bilang ng new cases ng COVID-19 at UK variant nito sa ilang lugar
  • Mahalaga raw na mabakunahan muna ang lahat ng health workers bago ikonsidera ang unti-unting pagluluwag sa quarantine protocols

Kabado ang OCTA Research group sa ilang rekomendasyon ng National Economic Development Authority (NEDA) kay Pangulong Rodrigo Duterte, kabilang na ang paglalagay ng buong Pilipinas sa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ) at payagang makalabas na ng tahanan ang mga mamamayang may edad 5 hanggang 75 simula sa March 1.

Screenshot mula sa GMA video

Sinabi ni Professor Ranjit Rye ng OCTA delikado pa ang mas maluwag na community quarantine dahil patuloy pa rin ang pagdami ng kaso ng COVID-19 at UK variant nito sa ilang mga lugar. Ni hindi pa nga raw nababakunahan ang mga health frontliners.

“Hindi pwede maging arbitrary, premature ang pagbukas natin, it would be risky. Ang call ng NEDA MGCQ buong bansa. Hindi mangyayari iyan sa March 1 kasi may seryosong outbreak sa Cebu, Caraga, Kalinga. Huwag na tayo mag-usap ng deadline,” wika ni Rye.

“Dapat mag-ingat tayo sa proposals natin, dapat ma-achieve ang basic requisites to move to MGCQ. Sa ngayon wala pa tayo doon. We are not yet where we are supposed to be to move to MGCQ,” sabi pa niya.

Mahalaga umano na mabakunahan muna ang lahat ng health frontliners ng dalawang dose ng COVID-19 vaccine bago ikonsidera ang unti-unting pagluluwag sa mga quarantine rules.

Nagpahayag naman si Dr. Guido David, miyembro rin ng OCTA, ng pagtutol sa panukalang luwagan ang age restrictions sa ipinatutupad na quarantine protocols.

Screenshot mula sa Eagle News video

Bukod sa rekomendasyo ng NEDA na payagang makalabas ang mga may edad na 5 hanggang 75, ang mga Metro Manila mayors ay nagpanukala rin na ibaba sa 15 ang papayagang makalabas sa buong Metro Manila.

Posible raw na maging supercarrier ng coronavirus ang mga may edad na below 18 years old. Paliwanag niya, ang mga COVID-19 vaccines ay hindi idinesenyo para sa mga edad na below 16.

“For economic reasons, maiitindihan naman natin ‘yung justification. pero at the same time, alam naman natin ‘yung bakuna hindi pa sila designed para sa mga below 16 years old, eh. Malaking factor ‘yan kasi hindi sila mapapabakunahan at lalo na ‘yung sabi nila ‘yung variant, mas nakakahawa sa bata,
paliwanag ni Dr. David.

Imahe mula sa PCOO

Samantala, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na pinag-aaralang mabuti ni Pangulong Duterte ang mga rekomendasyon ng NEDA bago gumawa ng desisyon.

Source :

CNN PH, Inquirer

Loading…