OFW mula sa UAE nagpositibo pa rin sa COVID kahit nabakunahan na

Imahe mula sa TFT
  • Nagpositibo pa rin sa COVID ang isang ROF kahit dalawang beses na itong nabakunahan
  • Umuwi sa Cebu ang OFW mula sa UAE noong nakaraang buwan
  • Posible umanong ibang variant ng COVID ang tumama sa OFW

Nagpositibo pa rin sa COVID-19 ang isang nagbabalik-bansang overseas Filipino worker (OFW) mula sa United Arab Emirates (UAE) kahit dalawang beses na itong nabakunahan.

Base sa pahayag mula sa Department of Health – Central Visayas (Region 7), ang lalaking ROF ay naturukan ng unang dose ng Sinopharm vaccine Disyembre 12, 2020, at sinundan ito ng pangalawang dose noong Enero 2, 2021.

Imahe mula sa Facebook

Umuwi sa Mandaue, Cebu ang nasabing 43-anyos na OFW nitong Enero 5 at sumailalim sa quarantine hanggang Enero 20.

Noong Pebrero 8, dahil pabalik na siya ng UAE, muli siyang sumailalim sa swab test kung saan nalaman na nagpositibo siya sa COVID-19.

Ayon kay Atty. Julius Caesar Entise, hepe ng Mandaue City Contact Tracing team, nasurpresa umano ang lalaki sa resulta ng test dahil naturukan na siya ng bakuna nang dalawang beses. Nakumpirma naman ito ng lokal na awtoridad matapos magpakita ng kaukulang dokumento ang OFW.

“That’s something that really is a point of concern to us because this person was already vaccinated and he tested positive nonetheless,” wika ni Entise.

Dr. Mary Jean Loreche| Imahe mula sa PNA

Ayon naman kay Dr. Mary Jean Loreche, tagapagsalita ng DOH-7, nagpositibo rin sa COVID ang lima sa pitong kasamahan ng lalaki sa bahay at lahat sila ay naka-isolate na ngayon.

Paliwanag ni Dr. Loreche, maraming posibleng dahilan kung bakit tinamaan pa rin ng COVID ang lalaking ROF.

“If you notice, there are no solid scientific studies yet as to the length of immunity that a vaccine can give,” ani Loreche.

“It’s highly probable that the immunity that the vaccine has given as a protection has not kicked off yet. There is also a possibility that it’s a different variant of COVID-19,” ayon pa sa opisyal ng DOH-7.

Loading…