
- Ibinahagi sa social media ng isang online seller ang pagmamalii
tng mga tao sa kanya dahil sa pinasok na pagkakakitaan - Ipinakita niya na sa kabila ng mga puna ng mga taong malalapit sa kanya ay makakamit niya ang tagumpay
- Ipinasilip ng online seller ang napakalaking bahay na kanyang ipinapagawa sa loob ng isang gated subdivision sa Baclod City
Hinusgahan, nagsumikap, yumaman. Ganito ang naging kapalaran ng isang babaeng nakaranas ng panghuhusga sa mga taong malalapit sa kanya – mga kaibigan at mga kaanak – dahil sa uri ng pagkakakitaan na kanyang pinasok, ang online selling.

Sa isang social media post, ibinahagi ni Kat Liam Lucas Trujillo-Ureta ang naranasang pangmamaliit sa pagiging isang online seller.
“Sayang si Kat no, naging online seller lang. ‘Yan ang mga salitang parati kong nariring sa mga kaibigan at relatives ko noon,” sabi ni Kat, ang founder ng Perfect Skin All Naturals na supplier ng organic beauty, cosmetic and personal care products mula sa Bacolod City.
Sinabi pa niya na in-unfriend siya sa social media ng mga itinuturing niyang kaibigan dahil sa mga ipino-post niyang mga paninda.
“Naranasan ko na rin na pinag-uunfriend ako ng mga taong akala ko friends ko kasi daw puro paninda post ko Relate din ho kayo ba?” aniya.
Sa kabila ng mga iyon ay ipinagmamalaki niya ang pagiging online seller dahil sa ganoong hanapbuhay ay nasumpungan niya ang tagumpay na hinahangad…tagumpay na posibleng hindi pa naabot ng mga taong humusga sa kanya.

Sa naturang post sa Facebook ay ipinasilip niya ang isang napakalaking bahay na ipinagagawa. Hindi pa iyon natatapos, subalit nagbigay na siya ng ideya kung ano ang magiging itsura ng kabuuan ng bahay na nasa loob ng isang gated subdivision sa Bacolod City.
Dalawang taon umano niyang pinagplanuhan ang ipinatatayong bahay at malapit na iyong matapos. Sixty percent completed na raw iyon.
Ang floor area ng bahay ay 721 square meters na itinatayo sa loteng 638 square meters ang sukat. Mayroon daw itong pitong bedrooms at may family theater. May swimming pool na 7 meters ang lapad at may jacuzzi pa.

Kasya raw ang limang kotse sa garahe at may malawak na garden patio.
Aniya, sino ang mag-aakala na kaya itong makamit ng isang online seller ‘lang’.
“Eto po yung online seller LANG kung tawagin ng mga mapanghusgang komunidad. Kaya sa mga gaya kong online seller d’yan, taas noo at ‘wag mahiyang sabihin “Opo online seller ako at proud ako sa trabaho ko.”
