P5,000 Lapulapu commemorative banknote at medal maaari nang mabili ng publiko

Imahe mula sa BSP
  • Maaari nang makabili ang publiko ng P5,000 Lapulapu commemorative banknote at medal
  • Ang banknote ay mabibili sa halagang P5,500 each at ang commemorative medal ay P3,500 isa
  • Ang commemorative banknote at medal ay hindi maaaring gamiting pambili ng mga bagay

Inanunsyo ni Benjanim Diokno, ang governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), sa kanyang talumpati sa Ulat ng BSP sa Bayan noong February 19, 2021, na maaari nang makabili ang publiko ng P5,000 Lapulapu commemorative banknote at medal.

Imahe mula sa BSP

“We would like to inform the public that they can now buy the Lapu-Lapu commemorative banknotes and medals starting today,” aniya.

Ang P5,000 Lapulapu commemorative banknote ay ipinagbibili ng BSP sa halagang P5,500 bawat piraso samantalang ang Lapulapu commemorative medal naman ay P3,500 ang isa.

Hindi ginarantiyahan ng BSP na maseserbisyuhan ang lahat ng gustong makabili ng mga ito dahil limitado lang ang stocks nito.

“We will also consider only one order submission per person,” ayon sa BSP governor.

Nagtulungan ang BSP at National Quincentennial  Committee para sa disenyo ng commemorative banknote at medal upang ipagbunyi ang kabayanihan ni Lapulapu at kanyang mga mandirigma at upang maging pamilyar ang kasalukuyang henerasyon sa mayamang pre-colonial history ng Pilipinas.

Imahe mula sa BSP

Makikita sa harap ng banknote ang imahe ng bata pa at matipunong si Lapulapu, imahe ng Battle of Mactan, at Karaoka, isang malaking bangkang pandigma na ginagamit ng mga sinaunang mga Pilipino.

Sa likod nito ay makikita ang imahe ng Manaol o Philippine Eagle na sumisimbolo sa “malinaw na pananaw,” “kalayaan,” at “lakas.” Kumakatawan din ito sa sinaunang paniniwala sa Bisaya na ang lahat ng buhay ay nagmula sa isang agila.

Tampok din dito ang puno ng niyog, ang pagkaing ibinigay ng mga taga-Samar kay Ferdinand Magellan at crew niya. Naroon din ang imahe ng Mt. Apo, kung saan nakakuha ng mga directional clues si Magellan para sa kanilang destinasyong Maluku o Spice Island.

Imahe mula sa BSP

Itinatampok naman sa harap ng commemorative medal ang imahe ng Lapulapu Shrine sa Cebu. Sa likod naman ay ang rendisyon ng Battle of Mactan, na naganap noong April 27, 1521.

Ang commemorative banknote at medal ay hindi maaaring ipambili ng mga bagay.

BASAHIN: Social media users iba’tiba ang reaksyon sa P5000 commemorative banknote

Loading…