Pacman humingi ng $40-M para sa posibleng laban kay Crawford

Imahe mula sa Inquirer/NY Post
  • Humihingi si Pacman ng $40-M para sa laban niya kay Terrence Crawford
  • Handa umano siyang harapin ang sinumang may hawak na world title
  • Kamakailan ay tinanggalan ang Pambansang Kamao ng WBA ‘super’ welterweight title

Nakahanda si Senador Manny ‘Pacman’ Pacquiao na harapin sa ring ang sinumang may hawak na world title; ito ay ayon mismo sa nag-iisang eight-division titlist sa larangan ng boksing.

Matatandaang tinanggalan si Pacman ng ‘super’ welterweight title ng WBA dahil nabigo itong magkaroon ng laban para ipagtanggol ang korona sa loob ng halos dalawang taon. Sa kasalukuyan, hinirang muna siyang ‘champion-in-recess’ ng WBA habang ibinigay naman kay Yordenis Ugas ang nabanggit na titulo.

Pacquiao vs. Thurman, 2019| Imahe mula sa Bad Left Hook

Sa panayam ng Daily Tribune, inamin ng Pambansang Kamao na bukas siya sa anumang laban kontra sa sinumang may hawak na korona.

Sa katunayan umano, nakausap niya si Bob Arum ng Top Rank para sa posibleng bakbakan nila ni Terrence Crawford (37-0-0; 28KOs), ang may hawak ng welterweight title ng WBO.

“I like to fight somebody who has a title,” ani Pacquaio. “We told Bob I get $40 million and Crawford gets $10 million.”

Maliban kay Crawford, isa pa sa posibleng makaharap ni Pacquiao, ayon kay Arum, ay sina WBC, IBF welterweight champion Errol Spence at si Mikey Garcia.

Imahe mula sa ESPN

Lumutang rin ang pinaplantsang laban niya kay rising star at 22-anyos na Amerikanong champion na si Ryan Garcia bagama’t nagpahayag ng agam-agam ang kampo ng huli.

Sa edad na 42, iginiit ni Pacman na (67-7-2, 39 KOs) na wala siyang aatrasang laban kahit pa sa mga mas nakababatang fighters.

“I will fight anybody. You know me, I don’t back away from any challenge. Bring ‘em on!” anito.

Huling sumampa sa ring ang Pambansang Kamao noong Hulyo 2019 para labanan si Keith Thurman at kung saan niya rin naiuwi ang WBA welterweight title.

Loading…