Paggamit ng PRN sa pagbabayad ng SSS loan compulsory na simula April 1

Imahe mula sa SSS
  • Required na ang paggamit ng computer-generated PRN kapag magbabayad ng short-term SSS loans
  • Nagpapadala ang SSS ng loan billing notices sa member-borrowers o employers na may kasamang PRN
  • Kailangang ipakita sa SSS ang PRN kapag magbabayad ng loan para sa real-time posting ng loan payments
  • Matapos makapagbayad, ang member-borrowers o employers ay agad makatatanggap ng notification sa pamamagitan ng email o text message bilang kumpirmasyon na nai-post na ang kanilang loan payment

Oobligahin na ng Social Security System (SSS) ang mga magbabayad ng short-term loans na gumamit ng computer-generated payment reference numbers (PRN) simula sa ika-1 ng Abril 2021.

Imahe mula sa SSS

Ang mga billing months na covered ng bagong sistema ay simula March 2021 onwards, ayon sa SSS.

Mapapabilis umano ng PRN ang mabilis at tamang pagpo-post ng loan payments ng mga SSS members sa kanilang loan accounts.

Ayon kay SSS president and CEO Aurora Ignacio, sinimulan ng state pension fund ang implementasyon ng paggamit ng PRN para sa short-term member loan payments noong nakaraang taon bilang bahagi ng Real-Time Processing of Loans (RTPL) program nito.

Ang mga uri ng transaksyon na sakop nito ay ang salary, calamity, emergency at restructured loans.

“Since November 2020, we have been sending loan billing notices to member-borrowers and employers. This loan billing statement or notice contains a corresponding PRN, which individual members and employers must present when paying at SSS branches with Automated Tellering System (ATS) or any RTPL-compliant collecting partner,” pahayag ni  Ignacio.

Imahe mula sa SSS

Ang SSS ay gumagawa ng loan billing statements at notices mula sa una hanggang ika-anim na araw ng buwan at ipinadadala ito sa member-borrowers o sa employers sa pamamagitan ng email o ng text message sa mobile phone number na nakarehistro sa SSS.

Kapag magbabayad, maaaring i-print o kunan ng screenshot ang PRN Loans Statement of Account kasama ang barcode. Maaari ring ipakita na lang sa SSS ang PRN na ipinadala sa cellphone sa pamamagitan ng text message.

Imahe mula sa SSS

Maaaring magbayad ng loans sa mga SSS branches na mayroong Automated Tellering System o kaya ay sa mga RTPL-compliant partners, kabilang ang Security Bank at UnionBank of the Philippines.

Matapos makapagbayad, ang member-borrowers o employers ay agad makatatanggap ng notification sa pamamagitan ng email o text message bilang kumpirmasyon na nai-post na ang kanilang loan payment.

Imahe mula sa SSS

 

Loading…