Paghaharap ni Manny Pacquiao at Ryan Garcia sa ring malabo – Golden Boy Promotions

Imahe mula sa Instagram ni Garcia
  • Malabong mangyari ang bakbakang Pacquiao-Garcia ayon sa Golden Boy Promotions
  • Wala naman daw napag-usapan ang dalawang kampo kahit nag-usap na ang mga ito
  • Gayunpaman, hindi pa rin isinasara ng kampo ng Garcia ang posibleng laban ng batang Amerikano sa beteranong Pinoy

Malabong matuloy ang paghaharap sa ring nina eight division titlist Manny ‘Pacman’ Pacquiao at WBC lightweight interim champion na si Ryan Garcia; ito ay nanggaling mismo sa promoter ng huli na Golden Boy Promotions

Sa panayam ng ESPN kay Golden Boy Promotions president Eric Gomez, sinabi nitong nakipag-ugnayan na umano sa kanila ang kampo ng Pinoy champion subalit wala namang napag-usapan.

Imahe mula sa Facebook

“There’s nothing to talk about there. They contacted us, but it turns out there’s nothing to talk about. That fight isn’t going to happen,” ani Gomez.

Magugunitang si Garcia mismo ang unang nagpalutang sa social media ng posibilidad na paghaharap nila ni Pacquiao na itinuturing niyang ‘legend’ sa larangan ng boksing.

Bagama’t hindi ito kinumpirma ni Pacman, sinabi ng kasalukuyang senador na posible siyang bumalik sa ring ngayong taon at kung matuloy man ang laban niya kay Garcia ay maaaring isang ‘exhibition game’ lamang ito.

BASAHIN: Laban kay Ryan Garcia baka ‘exhibition game’ lang – Pacman

Gayun pa man, hindi pa rin isinasara ng kampo ni Garcia ang pinto sa posibleng bakbakan ng 22-anyos na Amerikano na itinuturing ngayong ‘rising star’ sa boksing at ng 42-anyos na Pinoy champion.

Screenshot mula sa Instagram ni Garcia

“We’re discussing terms. Manny and Ryan want it and instructed their teams to make it happen. That’s what we’re trying to accomplish,” ayon sa abogado ni Garcia na si Guadalupe Valencia.

Sinabi rin ni Garcia sa isang panayam na kahit pa maging ‘exhibition game’ lamang ang maging paghaharap nila ni Pacman, patataubin niya pa rin sa lona ang beteranong kampiyon ng mga Pilipino.

“We are two real fighters. I’m not going to throw lies, and neither is he. You can call it what you want, but it will be a fight. I will throw punches as if I want to knock out Pacquiao,” wika ni Garcia.

Loading…