Pagkakaroon ng mga pekeng kasal pinangangambahan sa panukalang online wedding

Imahe mula sa Freepik
  • Tinutulan ng CBCP ang panukalang online marriage na isinusulong sa House of Representatives
  • Posible umanong magkaroon ng mga pekeng kasalan kung maipapasa ang panukala
  • Sa ilalim ng panukala, nais isama ang virtual presence sa kahulugan ng presence at personal appearance sa kasal na nakasaad sa Family Code

Nagpahayag ng pag-aalala ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) hinggil sa panukalang batas sa House of Representatives na gawing legal ang online marriage. Magreresulta lang daw iyon sa mga pekeng kasal.

Imahe mula sa Veritas

“It’s going to pose a lot of risks also, kapag halimbawang matuloy ‘yan, baka makakuha tayo ng mga kasal na hao shao, lalo natin dito guguluhin ang sanctity ng pamilya,” giit ni Fr. Jerome Secillano, ang executive director ng CBCP Public Affairs Committee.

Wika ng pari, naiintindihan niya kung bakit may ganitong panukala, subalit hindi niya tinanggap ang dahilan ng may akda nito para baguhin ang Family Code.

“Naiintindihan ko kung bakit nagkaroon ng ganyang bill dahil nga restricted ‘yung mga pumapasok ng simbahan. Pero hindi dapat sa ganyang kadahilanan ay baguhin natin ‘yung batas. Kaya instead of being very practical about responding to a particular situation, nag-e-evolve ang situation. So, sabi ko nga magiging moot and academic ‘yung bill na ‘yan kaya mas maganda na ‘yung kongreso ‘wag na nilang talakayin kasi hindi naman ito pang habangbuhay na pandemya,” ani. Fr. Secillano.

Imahe mula sa House of Representatives

Ang House Bill No. 7042 o ang Virtual Marriage Bill ay inihain ni Kabayan Partylist Representative Ron Salo noong Hunyo ng nakaraang taon.

Iminungkahi niya na ang terminong presence at personal appearance ng mga ikakasal ay required tulad ng nakasaad sa Family Code at dapat mangahulugan na kasama rito ang virtual presence.

Aniya, ang mga probisyon sa Family Code ay napag-iwanan na ng pagsulong sa mga teknolohiya.

Source :

ABS-CBN, PNA

Loading…