Pagpupugay kay Bro. Eli Soriano

  • Namaalam na sa mundo ang kilalang televangelist at preacher na si Bro. Eliseo “Eli” Soriano
  • Siya ang founder ng “Members Church of God International”
  • Hindi naman tinukoy kung ano ang dahilan nito

Nagulat ang lahat sa balita ng pamamaalam sa daigdig ng Christian preacher, televangelist, at founder ng “Church of God” na si Bro. Eli Soriano, nitong Pebrero 12, 2021. Siya ay nasa Brazil nang mangyari ito, sa gulang na 73.

Makikita sa mismong Facebook post ng “Ang Dating Daan” ang opisyal na pahayag ng “Members Church of God International” hinggil dito.

Imahe mula sa Facebook account ng Ang Dating Daan

“It is with deep sadness, yet with full faith in the Almighty, that we announce the passing of our beloved and one and only Bro. Eliseo ‘Eli’ Soriano – a faithful preacher, brother, father, and grandfather to many,” ayon sa opisyal na pahayag. Ang “Ang Dating Daan” ay radio at television program na binuo ni Bro. Eli.

Sa pagpapatuloy, “The life story of Bro. Eli is an open book to many of us. We are witnesses to his dedication and tireless efforts to propagate the undefiled words of God in the Bible.”

“His life and efforts have become instrumental in the fulfillment of the long hidden prophecy in the Holy Scriptures that ‘For from the rising of the sun even unto going down of the same my name shall be great among the Gentiles; and in every place incense shall be offered unto my name and a pure offering: for my name shall be great among the heathen, saith the Lord of hosts (Mal. 1:11).”

Sa kabila ng pagkawala ni Bro. Eli, nangako naman ang religious group na ipagpapatuloy nila ang nasimulan nito.

“Up to the last moment of his life, Bro. Eli was able to fulfill his vow to the Almighty that manifests in his love to serve the brethren. ‘And I will gladly spend and be spent for you; though the more abundantly I love you, the less I be loved (2 Cor. 12:15).”

Public Domain Image

Samantala, hindi naman tiniyak kung ano ang sanhi ng kaniyang pagyao.

Ngunit paano nga ba nagsimula ang pagtatayo ni Bro. Eli ng isang relihiyong gaya ng MCGI?

Pampito sa walong magkakapatid, lumaki at nagkaisip si Bro. Eli sa lalawigan ng Pampanga. Masasabing bata pa lamang ay may angking talino na siya. Sa katunayan, siya sana ang makakukuha ng pinakamataas na parangal sa kaniyang paaralan, subalit siya ay nag-drop out tatlong buwan bago ang kanilang graduation, dahil naka-debate niya ang mga administrador ng kaniyang paaralan hinggil sa usaping relihiyon.

Noong Abril 7, 1964, tatlong araw bago ang kaniyang ika-17 kaarawan,  nabautismuhan at naging miyembro siya ng Iglesia ng Dios kay Kristo Hesus, Haligi at Suhay ng Katotohanan (Church of God in Christ Jesus, Pillar and Support of the Truth) na itinatag ni  Nicolas Perez.

Noong 1969, itinalaga si Bro. Eli bilang ministro nito. Naging bulung-bulungan din na baka si Bro. Eli ang napipisil na successor ni Perez, subalit nang sumakabilang-buhay ito, ang pumalit sa kaniya ay si Levita Gugulan bilang temporary Presiding General Secretary ng sekta.

Public Domain Image

Tinanggap ni Bro. Eli ang appointment na ito subalit mariin niyang sinabing hindi dapat gawing lider ng simbahan ang mga babae, dahil labag umano ito sa mga kautusang makikita sa Bibliya o Banal na Kasulatan. Umalis siya sa naturang religious group kasama ang ilang mga kasangga, at doon na nagsimulang bumuo at magtatag ng sariling grupo. Sabi nga, the rest is history.

Isang pagpupugay sa iyo, Bro. Eli Soriano!

Loading…