Palasyo nakiusap sa mga meat vendors na nagsagawa ng pork holiday na muling magtinda

Screenshot mula sa GMA video
  • Umapela ang Palasyo sa mga meat vendors na ipagpatuloy ang pagtitinda ng karne ng baboy
  • Maraming meat vendors ang nagsagawa ng pork holiday sa unang araw ng implementasyon ng price cap sa pork products at dressed chicken
  • Nag-alok naman ang Department of Agriculture ng pautang na zero interest sa mga vendors upang magkaroon ang mga ito ng capital para direktang bumili ng baboy sa mga hog raisers

Umapela ang Malacañang Palace sa mga meat vendors sa ilang palengke ng Metro Manila na nagsagawa ng pork holiday na muling magtinda. Tiniyak ng Palasyo ang suporta ng gobyerno sa kanila at sapat na supply ng karne ng baboy para sa mga consumers.

Screenshot mula sa GMA video

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na dadalhin ng pamahalaan sa Metro Manila ang mga karne ng baboy na ligtas sa African swine fever mula sa Mindanao, Visayas ibang parte ng Luzon. Magbibigay din ng transport subsidies sa mga hog raisers upang mapababa ang farm-gate prices ng baboy.

“May mga grupo na nag-declare ng pork holiday, meron rin pong nanawagan ng pagkain ng alternative protein sources. Sinusuportahan po natin iyong panawagan for consuming alternative protein sources, pero nakikiusap po kami sa mga nagtitinda ng baboy na ipagpatuloy niyo po ang pagtitinda,” pahayag ni Sec. Roque.

Maraming vendors ang nag-deklara ng pork holiday sa pangambang malugi dahil sa price cap na ipinatupad ng gobyerno na P270 per kilo para sa pigue at kasim, P300 kada kilo ng liempo at P160 per kilo ng dressed chicken. Tatatagal ng 60 days ang implementasyon nito.

Imahe mula sa PCOO

Bilang suporta sa price cap na ipinatutupad, may alok na pautang na walang interest ang Department of Agriculture sa mga meat vendors upang magkaroon ang mga ito ng kakayahan na direktang makabili ng baboy mula sa mga hog raisers.

“Kami po ay nananawagan sa mga meat vendors, ito po ang panahon na dapat tulung-tulong tayo. Kami po ay magpaparating, galing iba’t ibang lugar, ng mga baboy na mas mura para itinda ninyo. Magpapautang din kami sa mga market vendors na miyembro ng asosasyon sa iba’t ibang parte ng Metro Manila. Pautang na zero interest para mayroon kayong capital. Alam naming kayo ay under the mercy of the wholesalers dito sa Metro Manila,” pahayag ni Agriculture Secretary William Dar.

Imah mula sa Department of Agriculture

Matapos ang panawagan ay may ilang mga meat vendors ang muling nagtinda. Sumunod din ang ilan sa mga ito sa price cap na ipinatutupad. Ayon sa mga vendors, muli silang nagtinda upang malaman kung hindi sila malulugi sa presyong nais ng gobyerno.

Imahe mula sa Manila PIO

Loading…