Pamilya ibinunyag na may Alzheimer’s ang legendary jazz singer na si Tony Bennett

Imahe mula sa Twitter account ni Tony Bennett
  • Legendary jazz singer na si Tony Bennett may Alzheimer’s
  • Taong 2016 pa unang na-diagnose ang singer sa kanyang kondisyon
  • Sa kabila ng kondisyon ay nagpatuloy ang concert tours niya at pag-record ng mga bagong musika
  • Nahinto ang mga concert tours niya nang magsimula ang COVID-19 pandemic at malaki umano ang naging epekto nito sa kondisyon ng jazz singer

Hindi naging madali para sa mga kaanak ng legendary jazz singer na si Tony Bennett na isiwalat sa publiko ang kanyang kondisyon…na mayroon siyang Alzheimer’s disease; ang pinakakaraniwang uri ng dementia kung saan nagiging makakalimutin, nagkakaproblema sa pang-unawa, pagsasalita at iba pa ang pasyente.

Imahe mula sa Twitter account ni Tony Bennett

Taong 2016 na-diagnose ang Alzheimer’s ni Tony Bennett, pero nagpatuloy pa rin ang mga concert tour niya at pag-record ng mga bagong musika, kabilang na ang ikalawang album na ginawa niya kasama si Lady Gaga, na nakatakdang i-release sa darating na tagsibol sa pagitan ng March at May ngayong 2021.

Unang humingi ng neurological advice ang singer noong 2015 matapos niyang sabihin sa asawang si Susan na nahihirapan siyang maalala ang mga pangalan ng mga musikerong kasama niya sa entablado.

Hinikayat siya ng neurologist na si Dr. Gayatri Devi na ipagpatuloy ang kanyang musika.

“It kept him on his toes and also stimulated his brain in a significant way,” wika ni Dr. Devi.

Nitong mga nagdaang taon, sa kabila ng paglala ng kanyang pagkamalilimutin – offstage man o onstage, nagagawa pa rin ni Tony Bennett na perpektong matapos ang kanyang isa’t kalahating oras na pag-awit sa kanyang mga shows.

Screenshot mula sa concert ni Tony Bennett at Lady Gaga noong June 2019

Nahinto ang mga concert tours niya nang magsimula ang COVID-19 pandemic. Malaki ang naging epekto nito sa jazz singer at maging sa marami pang dementia patients tulad niya. Noong March 1, 2020 huling nagtanghal sa publiko si Tony Bennett.

“His memory, prior to the pandemic, was so much better. And he’s not alone. So many of my patients are negatively affected by the isolation, the inability to do the things that matter to them. For someone like Tony Bennett, the big high he gets from performing was very important,” sabi ni Dr. Devi.

“He is doing so many things, at 94, that many people without dementia cannot do. He really is the symbol of hope for someone with a cognitive disorder,” ayon pa sa neurologist.

Imahe mula sa Twitter account ni Tony Bennett

Ang desisyong isiwalat ang kondisyon ni Tony Bennett ay kaugnay ng bagong album na ginawa niya kasama si Lady Gaga. Isa sa duty ng mga artists ay ang promotional interviews na hindi na kayang gawin ni Tony Bennett dahil sa lumalalang kondisyon.

Alam ni Lady Gaga ang kondisyon ni Tony Bennett habang ginagawa nila ang album na sinimulan noong 2018 at natapos noong 2020.

Imahe kuha habang ginagawa ni Tony Bennett at Lady Gaga ang bagong album nila

Hindi na kaya ng singer na gumawa pa ng malalaking desisyon at ni hindi nito nauunawaan ang kanyang kalagayan kaya minabuti ng 66-year-old niyang anak na si Danny, na tumatayong manager niya sa nakaraang 40 years, at ng asawa ni Tony Bennett na si Susan, 54 years old, na sila na ang magbahagi sa publiko na may Alzheimer’s ang kanilang idolo.

Umaasa sila na makatutulong ang pagsisiwalat na ito upang mawala ang stigma na nakakabit sa Alzheimer’s disease.

Samantala, panoorin ang walang kupas sa galing na singer sa kabila ng kanyang edad at kondisyon.

Kung nabitin ka, narito ang kanyang duet with Thalia!

Loading…