Panalo ‘to: Pinoy music lovers nagulantang sa performance ng Pinoy rapper na si Ez Mil sa Wish Bus USA

Screenshot mula sa Wish Bus USA video
  • Viral ang performance ni Ez Mil sa Wish Bus USA na umabot na sa mahigit 14 million ilang araw pa lang matapos ilabas sa YouTube
  • “Panalo (Trap Cariñosa)” ang rap song ni Ez Mil na hinaluan ng melodya ng Philippine folk song na Cariñosa
  • Si Ez Mil ay anak ni Paul Sapiera, ang lead vocalist at guitarist ng Pinoy rock band na Rockstar, ang umawit ng “Mahal Pa rin Kita” at “Parting Time”

Mainit na pinag-uusapan ngayon ang performance ng Pinoy rapper na si Ez Mil sa Wish Bus USA na agad humakot ng milyun-milyong views mula nang ilabas ng Wish USA ang video sa YouTube ilang araw pa lang ang lumilipas. As of February 2 ay nasa mahigit 14 million views na ang rap song niyang “Panalo (Trap Cariñosa).”

Imahe mula sa Wish USA

Sinabi ni Ez Mil (Ezekiel Miller) sa isang reaction video sa sariling kantang Panalo, na ginawa niya kasama ang rapper na si Hbom, na ang ideya ng paggamit ng Philippine folk song melodies sa kanyang rap song ay ideya ng nanay niya.

“Tinikling” daw ang suggestion ng ina, pero mas gusto raw niya ang Cariñosa dahil napuri daw siya ng isang teacher niya noon sa isang school dance na ang sayaw ay Cariñosa.

Marami sa mga nakapanood sa performance niya sa Wish Bus USA ang nagkumpara sa kanya sa yumaong si Francis M dahil sa nasyonalistikong tema ng rap niya kung saan hinihikayat niya ang mga Pilipino na pagtuunan ang mga bagay na positibo, mga bagay na napagtagumpayan (Panalo) at hindi ang mga negatibo.

Marami ang nagtatanong kung sino ba talaga si Ez Mil.

Screenshot mula sa YouTube video ni Hbom Segovia

Dugong musikero ang nananalaytay sa kanyang mga ugat.

Ang ama niya ay si Paul Sapiera, ang main vocalist at lead guitarist ng Pinoy rock band na “Rockstar” na sumirit ang popularidad noong late 1990’s. Sino ba ang makalilimot sa “Mahal Pa rin Kita” at sa “Parting Time” na pinakamalalaking hits ng banda?

Ang kanyang ina ay aktibo rin umano sa industriya ng musika.

Ayon kay Ez Mil, lumaki siyang napalilibutan ng rock music, subalit iba raw ang panlasa niya sa musika kaya sinubukan niya  ang ibang genre tulad ng  R&B, hip-hop at iba pang uri ng musika na hindi rock. Tinawag niyang “rebellion from overexposure” ang ginawa niyang pag-explore sa ibang tema ng mga musika.

Screenshot mula sa Wish Bus USA video

Laking Olongapo City si Ez Mil, pero limang taon na siya ngayon sa California, USA. Ipinanganak siya noong July 27, 1998.

Sabi niya, malaki ang naging impluwensya sa kanyang musika ng “Hari ng Tondo” ni Gloc-9, ang isa sa itinuturing na pinakamagaling na rapper sa Pilipinas.

Source :

YouTube, Spin, YouTube

Loading…