Pangulong Duterte walang sinisisi sa pagkakaantala ng bakuna – Nograles

Imahe mula sa PCOO
  • Walang sinisisi si Pangulong Duterte sa patuloy na delay ng COVID vaccine
  • Ginawa naman daw ng gobyerno ang lahat ng kinakailangan
  • Sa huli, obligasyon pa rin talaga ng mga manufacturers na tumupad sa kanilang pangako

Walang sinisisi si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkaantala ng delivery ng bakuna sa bansa; ito ang iginiit ni Cabinet Secretary Karlo Nograles sa ginanap na online press briefing nitong Martes.

Naiintindihan umano ng Pangulo na ang Pilipinas ay nasa ‘receiving end’ lamang ng mga bakuna kaya wala tayong magagawa kung hindi ang maghintay.

Imahe mula sa PNA

“He understands that we are at the receiving end of these vaccines. As much as we want to…as practicable as possible…ginagawa  naman po natin ang lahat ng kinakailangan based on requirements being asked of us,” paliwanag ni Nograles.

Responsibilidad pa rin talaga ng mga manufacturers kung kailan niya dapat i-deliver ang bakuna alinsunod sa kanilang ipinangakong petsa, ayon sa kalihim.

“But at the end of the day, it’s the vaccine manufacturers’ obligation and responsibility to ship it to us at the time that it has promised,” ani Nograles.

Nauna nang naudlot ang pangako ng Palasyo na magsisimula na ang vaccination program ng gobyerno noon sanang Pebrero 15 dahil hindi natuloy ang delivery ng Pfizer-BioNTech vaccine mula sa COVAX facility matapos magkaproblema sa dokumentasyon.

BASAHIN: Delivery ng COVID vaccine sa bansa patuloy na made-delay; Pangulong Duterte naiinip na

Lumalabas na hindi pa naibibigay ng manufacturer ang hinihinging indemnification agreement ng World Health Organization (WHO) kahit pa nagawa na ng Pilipinas ang kaniyang parte.

Imahe mula sa CNBC

Nagkaproblema rin sa delivery ng Sinovac vaccine dahil hindi kaagad ito nakakakuha ng emergency use authorization mula sa Food and Drugs Administration (FDA).

Maging ang bakuna mula sa AstraZeneca ay nadelay rin dahil sa isyu sa bahagi ng manufacturer.

Hanggang sa kasalukuyan ay wala pang tiyak na petsa kung kailan ang dating ng unang batch ng COVID vaccine mula sa alinmang nabanggait na manufacturer.

Nabanggit na rin ni vaccine czar Sec. Carlito Galvez sa Senate hearing na hindi sana mahaharap sa ganitong problema ang pagdating ng bakuna kung mayroon lamang kasalukuyang indemnification law ang ang bansa.

Ang indemnification agreement ay isang kasunduan na magtatanggal ng liabiltity sa manufacturer kung sakali mang mayroong ‘di magandang epekto ang bakuna sa mag naturukan nito dahil ito ay for emergency use lamang.

Loading…