Panukalang P5 maximum na singil sa interbank ATM transactions dapat maipasa na agad

Imahe mula sa iMoney
  • Proposed ATM Fee Regulation Act of 2019 dapat nang maipasa agad ng Kongreso, panawagan ni Rep. Zarate
  • Ang panawagan ng mambabatas ay kasunod ng anunsyo ng mga bangko na simula sa Abril ay tataas ang singil sa mga interbank ATM transactions
  • Sa ilalim ng panukala ni Rep. Zarate, pinakamataas na ang singil na P5 kada ATM transaction

Pinamamadali ni Bayan Muna partylist Representative Carlos Zarate sa House of Representatives ang pagpasa ng House Bill (HB) Number 4019 o ang proposed ATM Fee Regulation Act of 2019 na naglalayong makontrol ang singil na ipinapataw  ng mga bangko sa ATM transactions.

Screenshot mula sa RTVM video

Si Rep. Zarate ang naghain ng naturang panukalang batas noong 2019, kasama ang kapwa Bayan Muna Representatives na sina Ferdinand Gaite at Eufemia Cullamat.

Ang panawagan ni Rep. Zarate ay kasunod ng pag-aanunsyo ng mga bangko na tataas ang singil sa bawat interbank ATM transaction simula sa April 7, 2021.

“Mukhang tataas na naman ang sisingilin mula sa atin sa paggamit ng ATM pero ang mga bangko naman talaga ang kumikita dito mula pa dati, pero, ironically, pera din naman natin ang ginagamit nila sa kanilang negosyo,” wika ni Rep. Zarate.

“Dapat talaga ay tignan na agad ito ng Kongreso para makita kung totoo ang sinasabi ng mga bangko, lalo na sa panahong ito ng krisis na pinalala pa ng COVID-19 pandemic,” dagdag pa niya.

Sa ilalim ng HB 4019, ang mga bangko na nag-o-operate at nagbibigay ng ATM services ay dapat magpataw ng standard rate na transaction fee para sa lahat ng gumagamit ng ATM.

Imahe mula sa Philippine Primer

Kapag intrabank transaction dapat daw ay walang bayad na sisingilin. Limang piso dapat ang pinakamataas na singil sa bawat interbank transaction at walang bayad sa balance inquiry, intrabank man o interbank.

Ang “transaction” ay tumutukoy sa balance inquiry, deposit, withdrawal, fund transfer at iba pa.

Sa ilalim pa rin ng panukala ni Rep Zarate, ang mga bangko ay required na ipaalam sa mga customers ang halaga ng singil nito sa bawat transaksyon. Dapat raw na mababasa iyon sa screen ng ATM terminal bago pa makumpleto ang transaksyon.

Basahin: Interbank ATM transaction fees tataas dahil sa acquirer-based ATM fee charging method

Loading…