Parating na Sinovac COVID-19 vaccine hindi rekomendado sa health workers at senior citizens

Imahe mula sa The Brazilian Report
  • Kinumpirma ni Harry Roque na unang darating sa bansa ang COVID-19 vaccine na gawa ng Sinovac
  • Sinabi ng FDA na ang Sinovac vaccine ay hindi rekomendado sa mga senior citizens at healthcare workers
  • Dahil sa pahayag ng FDA ay lalong lumakas ang agam-agam ng marami hinggil sa pagpapabakuna

Kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang unang COVID-19 vaccine na darating sa bansa ay ang gawa ng Chinese pharmaceutical firm na Sinovac Biotech, subalit hindi agad mababakunahan ang mga senior citizens at health workers dahil hindi ito rekomendado para sa kanila.

Imahe mula sa The Rio Times

“I can confirm it looks like Sinovac will be the first vaccine we’ll use in our vaccination program. Dahil sinabi po ng FDA (Food and Drug Administration) sa approved na EUA (emergency use authorization) na hindi muna gagamitin sa senior citizens, hindi po mapapasama ang Presidente sa mauuna,” pahayag ni Secretary  Roque.

Ang mga kawani sa mga pampublikong pagamutan sa Metro Manila at sa iba pang siyudad ay orihinal na nasa unahan ng priority list ng mga babakunahan, subalit ipinahayag ni FDA chief Eric Domingo na mababa ang efficacy rate ng Sinovac vaccine, na kilala sa trade name nitong CoronaVac, kapag ginamit ito sa mga health workers na exposed sa coronavirus at sa mga senior citizens.

Ayon kay Domingo, ang CoronaVac ay rekomendadong gamitin sa mga taong “clinically healthy” na ang edad ay mula 18 hanggang 59.

Imahe mula sa The Rio Times

Dahil dito ay kailangang baguhin ng National Immunization Technical Advisory Group ang priority list. Ang militar na raw ang unang babakunahan.

“Magpupulong po iyong tinatawag na NITAG ‘no – ang NITAG po iyong National Immunization Technical Advisory Group. Sila po iyong bumuo ng list of priorities at ang mangyayari po diyan eh siguro kinakailangan nilang baguhin muna iyong ating list of priorities para sa Sinovac.  Ang uunahin nila ay unang-una ‘no, mayroon kasing 100,000 na donated na Sinovac para sa militar ‘no so kinakailangan magamit talaga iyong 100,000 sa militar ‘no,” wika ni Sec. Roque.

Imahe mula sa PCOO

Dahil sa pahayag tungkol sa Sinovac vaccine ay lalong nagkaroon ng agam-agam ang publiko na magpabakuna.

Narito ang komento ng ilang netizen:

“If Sinovac isn’t recommended for HCW (healthcare workers), why would you even administer that to general public?

“This will just increase vaccine hesitancy. Good luck.” 

“Problema na nga ‘yung pagiging hesitant sa vaccine tapos puro ganito pa makikita mo.”

Source :

GMA Network, MSN

Loading…