Pasado na sa Senado, SSS contributions hindi muna itataas

Screenshot mula sa ABS-CBN video
  • Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang pigilin ang pagtaas ng SSS contributions
  • Ang SB No. 2027 ay nagbibigay ng kapangyarihan kay Pang. Duterte na suspendihin o ipagpaliban ang pagtataas ng SSS contibutions habang may umiral na national emergency o state of calamity
  • Isang kaparehong panukalang batas ang naipasa na rin sa House of Representatives sa ikatlo at huling pagbasa

Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang Senate Bill Number 2027 na mag-aamyenda sa Republic Act Number 11199 o ang Social Security Act of 2018.

Imahe mula sa CNNPH

Sa botong 21-0 ay naipasa ng mga senador ang panukala na nagbibigay ng kapangyarihan kay Pangulong Rodrigo Duterte na suspendihin o ipagpaliban ang implementasyon ng pagtaas ng SSS contributions habang may umiiral na national emergency o state of calamity sa loob ng anim na buwan.

Ang pagpapaliban ay maaaring mapalawig pa ng karagdagang anim buwan.

Pinasalamatan ni Senator Richard Gordon ang mga kapwa senador sa pagpasa ng panukalang batas.

“Thank you to all our colleagues who contributed to this wonderful opportunity to alleviate the suffering of our people even for a short while,” saad ni Senator Richard J. Gordon, ang chairman ng Senate Committee on Government Corporations and Public Enterprises, at author ng Senate Bill No. 2027.

Sa sponsorship speech ni Sen. Gordon para sa panukalang batas, sinabi niya na matutulungan nito ang mga SSS members na magkaroon ng financial breathing space upang makaagapay sa umiiral na national emergency, habang isinasa-alang-alang din ang pinansyal na katayuan ng SSS.

“Walang pambayad ang mga tao dahil may pandemya. Gusto nating matulungan ang mga nahihirapan. We should make the SSS law nimbler and leave the deferment of contribution increase for the President to decide, provided that there is a consultation with the SSS and affected stakeholders,” anang senador.

Imahe mula sa Twitter account ni Sen. Richard Gordon

“Ito ay karagdagang assistance para sa tao. Mayroon na rin tayong financial breathing space para sa mga nawalan ng trabaho ngayong pandemic tulad ng unemployment benefit na nagkakahalaga ng PHP20,000. With many businesses closing and employees losing their jobs, people need every bit of help they can get,” sabi pa niya.

Isang kaparehong panukalang batas ang naipasa na rin sa House of Rsa ikatlo at huling pagbasa.

 

Source :

PNA, Twitter

Loading…