Paslit magre-release ng debut album na ni-record noong nasa sinapupunan pa siya

Imahe mula sa Sacred Bones Records
  • Batang paslit nakagawa ng sariling album noong hindi pa siya isinisilang
  • Gamit ang biosonic MIDI technology, ni-record ng mga magulang ni Luca Yupanqui ang mga tunog na gawa niya habang nasa loob pa siya ng sinapupunan
  • Ang album na “Sounds of the Unborn” ay ire-release ng Sacred Bones Records sa April 2, 2021

Labinlimang buwan pa lang ang edad ni Luca Yupanqui pero may sarili na siyang long playing album na nakatakdang i-release sa April 2, 2021 ng Sacred Bones Records.

Imahe mula sa Sacred Bones Records

Bagay na bagay ang pamagat ng debut album ni Luca na “Sounds of the Unborn” dahil ni-record iyon noong hindi pa siya ipinanganganak gamit ang biosonic MIDI technology sa tulong ng mga magulang niyang si Elizabeth Hart at Ivan Diaz Mathe, na parehong musikero.

Inilarawan ng Sacred Bones Records ang album ni Luca bilang “expression of life in its cosmic state…pre-mind, pre-speculation, pre-influence and pre-human.”

Ito raw ang unang album na ginawa ng isang tao habang nasa loob pa siya ng sinapupunan ng ina; ekspresyon ng isang kaluluwa na hindi pa nakakakita ang liwanag ng araw at hindi pa nakasisinghap ng hangin.

“The electrodes receive electromagnetic impulses that are translated into MIDI and then hooked up to synthesizers,” paliwanag ni Hart kung paano nila ni-record ang mga tunog na gawa ni Luca sa loob ng kanyang sinapupunan.

Imahe mula sa Mixdown

Limang sessions, na inabot ng isang oras kada session, daw ang ginawa nila para matapos ang buong album.

Sabi ni Hart, dati nang gumamit ng biosonic MIDI technology ang asawa para ma-capture ang tunog mula sa mga halaman. Iyon daw ang naging inspirasyon nila para gawin ang album ng kanilang anak.

“The concept of music coming from a different source was what motivated this new experimentation,” aniya.

Imahe mula sa Sacred Bones Records

Kuwento ni Hart, sinimulan nila ang mixing process ng album noong nakaraang taon, kasunod ng pagsilang si Luca. Kasama nila ang anak habang binubuo ang album.  Nang unang marinig ni Luca ang mga tunog ay nanlaki raw ang mga mata nito at napatingin sa mga magulang na tila sinasabing siya ang may likha ng mga tunog na iyon.

Tumatanggap na ng pre-order ang Sacred Bones Records para sa Sounds of the Unborn album sa halagang $23 para sa format na Deluxe Clear and Green Vinyl LP; $17 para sa Black Vinyl LP, at $12 para sa CD.

Imahe mula sa Sacred Bones Records

Bisitahin ang kanilang ibinahaging video:

i-CLICk ang imahe para sa video via YouTube

 

Loading…