Persona non grata sa Polish vice consul na ‘nang-insulto’ ng Pinoy hiling ng Zambales solon

Imahe mula sa Gov.pl
  • Nais ng isang Zambales solon na ideklarang persona non grata ang isang Polish vice consul
  • Ito ay nag-ugat sa isang insidente sa Zambales kamakailan
  • Hindi pa naglalabas ng pahayag ang DFA at Embassy of Poland hinggil sa insidente

Nais ni Zambales 2nd District Rep. Cheryl Deloso-Montalla na ideklarang persona non grata ng isang opisyal ng Polish embassy sa bansa dahil diumano sa pagiging arogante nito at pang-iinsulto sa isang motoristang Pinoy kamakailan.

Sa inihaing House Resolution No. 1559 ng Zambales solon, hiniling ng Zambales solon sa Department of Foreign Affairs (DFA)  na ideklarang persona non grata si Vice Consul Bartosz Wozniczko at hindi pa nakikilalang ‘boss’ nito dahil sa hindi magandang salita na binitawan ng mga ito laban sa nakabanggaang motorista at sa mga pulis na sumita sa kanila.

Imahe mula sa Facebook

Na-ugat umano ang insidente matapos masagi ng ‘Kia Grand Carnival’ ni Wozniczko ang isang nakamotor na Pinoy sa may bandang Brgy. Malimanga, Candelaria, Zambales. Sa halip daw na huminto at tulungan ang nadisgrasya, tinakbuhan pa ito ni Wozniczko.

Mabuti na lamang at naitimbre ng Candelaria PNP ang insidente kaya nasabat muli ang sasakyan ng Polish vice consul sa may Masinloc.

“Upon introduction of themselves to the driver, the driver showed his Vice-Consul ID and arrogantly said that he is ‘above the law,” ayon sa talumpati ni Montalla sa Kamara nitong Lunes.

Imahe mula sa Facebook

Bukod dito, nag-invoke din daw si Wozniczko ng Vienna Convention of 1963 kaya hinid siya puwedeng makasuhan. Subalit nang hiningan ng dokumentong magpapakita na isang official function ang kaniyang biyahe, wala naman itong mailabas na ‘immunity papers’.

Sinubukan ng legal team ni Montalla na ipaareglo na lamang kay Wozniczko ang insidente subalit iginiit nitong hanggang P10,000 lamang ang kaya niyang ilabas sabay sabing ‘they are poor, anyway’ sa mga biktima.

“It was at this point, Mr. Speaker, that another person, who appeared to be the driver’s ‘boss’ alighted, from the car and threatened the members of the PNP that he will report the ‘harassment’ of the police to Secretary Delfin Lorenzana,” bahagi pa ng mambabatas.

Imahe mula sa Facebook

Inakusahan din umano ng mga ito ang mga Filipino bilang ‘scammers’ at pangingikil naman daw ang ginagawa sa kanila ng PNP.

“Not content with his verbal insults to them and talking in the most reprehensible manner,  he further said that he will make sure that Filipinos will never get European visas and that his government will see Filipinos in a bad light after that incident!” ayon pa kay Montalla.

Kaugnay nito, hindi pa naglalabas ng pahayag kapwa ng DFA at ang Embassy of Poland para linawin ang pangyayari.

Loading…