Pilipinas magde-deploy ng Navy ships para bigyan ng seguridad ang mga mangingisda sa WPS

Imahe mula sa Philippine Navy
  • Magde-deploy  ang AFP ng mas maraming Philippine Navy ships sa WPS upang proteksyunan ang mga Pilipinong mangingisda
  • Ang deployment ng AFP assets sa WPS ay kasunod ng bagong batas ng China na nagbibigay ng kapangyarihan sa coast guard nito na paputukan ang mga foreign vessels na pumapasok sa kanilang teritoryo
  • Tiniyak ni National Defense Secretary Lorenzana ang kaligtasan ng mga Pilipinong mangingisda habang hinihikayat ang mga ito na mangisda lamang sa traditional fishing grounds sa lugar

Ipinahayag ng chief of staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na si Lieutenant General Cirilo Sobejana na magde-deploy ng mas maraming Philippine Navy ships sa West Philippine Sea (WPS).

Imahe mula sa Philippine Navy

Nilinaw ng AFP chief of staff na ang layunin ay hindi upang makidigma sa China kundi bigyan ng seguridad at proteksyon ang mga Pilipinong mangingisda.

“As part of our mandate to secure the people, we will increase our visibility through the deployment of more assets. I just want to make clear that our Navy presence there (WPS) is not war against China but to secure our own people,” wika ni Lt. Gen. Sobejana sa isang press briefing.

Ang pahayag ni Lt. Gen. Sobejana ay kasunod ng batas na ipinatutupad ng China na nagbibigay ng kapangyarihan sa coast guard nito na gumamit ng anumang paraan, kabilang  ang pagpapaputok, kontra sa mga foreign vessels na papasok sa kanilang teritoryo.

Ang West Philippine Sea o South China Sea ay teritoryong buong inaangkin ng China. Bukod sa Pilipinas at China, may ilan pang bansa ang umaangkin sa bahagi ng naturang lugar.

Imahe mula sa AFP

Noong Lunes, February 6, ay nagpahayag ng pagkabahala si National Defense Secretary Delfin Lorenzana na dahil sa bagong batas ng China ay posibleng may “aksidenteng” maganap sa pagitan ng nagpapatrulyang mga barko ng mga bansang umaangkin sa teritoryo.

Sa kabila ng kanyang pag-aalala, tiniyak niya ang kaligtasan ng mga Pilipinong mangingisda habang hinihikayat ang mga ito na mangisda lamang sa traditional fishing grounds sa lugar tulad ng Scarborough Shoal, Reed Bank at maging ang Mischief Reef na noon pa man  ay pinangingisdaan ng mga Pilipino.

Screenshot mula sa ANC video

Loading…