Pinakamalaking caldera sa buong mundo na nadiskubre ng Pinay scientist pwedeng energy source

Imahe mula sa DepEd
  • Inirekomenda ng House Committee on Science and Technology na gawaran ng Congressional Commendation ang Pinay scientist na nakadiskubre ng world’s largest caldera
  • Si Jenny Anne Barretto ang Pinay Marine geologist na nakadiskubre ng Apolaki caldera sa Philippine Rise, ang underwater plateau na dating kilala bilang Benham Rise
  • Ang Pinay scientist ay dating bahagi ng UP National Institute of Geological Science bago siya siya lumipat sa GNS Science ng New Zealand
  • May potensyal umanong maging energy source ang Apolaki caldera

Inendorso ng House Committee on Science and Technology na bigyan ng pagkilala at gawaran ng Congressional Commendation ang Filipina scientist na nakadiskubre ng pinakamalaking caldera sa buong mundo – ang Apolaki Caldera na matatagpuan sa Philippine Rise, ang underwater plateau sa Luzon na tinatawag noon na Benham Rise.

Imahe mula sa Philippine Congress

Inaprubahan ng komite na pinamumunuan ni Bohol Rep. Erico Aristotle Aumentado ang House Resolution No. 561 na naglalayong mabigyan ng komendasyon ang Pinay scientist na si Jenny Anne Barretto dahil sa kanyang “extraordinary contribution for marine scientific research.”

Ayon kay House Speaker Lord Allan Velasco, ang Apolaki caldera na nadiskubre ni Barretto, isang marine geophysicist na kasalukuyang nakabase sa New Zealand, ay may potensyal na maging energy source.

“Barretto’s discovery opens up immense possibilities and opportunities in the further exploration and conduct of marine scientific research in the Philippine Rise, an underwater geo-marvel and a shelter of God-given marine resources and potential energy source,” ayon kay House Speaker Lord Allan Velasco.

Ang Apolaki caldera ay may lawak na 150 kilometers. Ang pangalang Apolaki, ayon pa kay Rep. Velasco, ay hango sa mythical Filipino god of sun and war.

Sinabi pa niya na binanggit ni National Security Adviser Hermogenes C. Esperon, Jr. sa isang summit na ang Apolaki caldera ay posibleng maging source ng hydrothermal power system.

Imahe mul;a sa Google Earth

“Barretto’s discovery of the Apolaki caldera is a source of pride and a beacon of hope for Filipino scientists everywhere and it underscores the significance of allocating crucial funding and support for marine scientific research in the country,” saad pa ni Rep. Velasco.

Ang Pinay scientist ay dating bahagi ng UP National Institute of Geological Sciences bago siya lumipat sa GNS Science, ang leading provider ng Earth, geoscience at isotope research and consultancy services ng New Zealand, noong 2013.

Imahe mul;a sa Philippine Commission on Women

Loading…