Pinay lola sa New York nagkaroon ng grabeng reaksyon sa Moderna vaccine

Screenshot mula sa GMA video
  • Nagkaroon ng adverse reaction sa Moderna covid-19 vaccine ang isang Pinay lola sa New York
  • Thrombocytopenia ang disorder na dumapo sa lola kung saan bumaba nang sobra ang platelet count niya at ang mga platelets ay nawalan ng kakayahan na tumulong sa blood clotting
  • Nagpasalamat ang lola na nalampasan niya ang pinagdaanan matapos ma-confine sa pagamutan nang dalawang linggo

Isang Pilipinang lola sa New York ang nagkaroon ng pambihirang blood disorder matapos niyang mabakunahan ng first dose ng Moderna COVID-19 vaccine noong nakaraang buwan.

Screenshot mula sa GMA video

Laking pasalamat umano ng lolang Pinay na nalampasan niya ang pinagdaanan. Sabi nga raw ng mga kaanak niya ay pangalawang buhay na raw niya ito ngayon.

“Pangalawang buhay ko na nga raw ito dahil hindi rin nila sukat akalain na malalampasan ko ito. Talagang ginawa nilang lahat ang dapat nilang gawin. Nagtulong-tulong sila. Pati nga doktor sa labas eh,” kwento ng 72-anyos na si Luz Legaspi.

Noong January 18 siya nabakunahan ng first dose ng Moderna vaccine si Legaspi na pitong taon nang naninirahan sa America kapiling ang mga kapamilya.

“Naghanap ang anak ko kung saan dahil ang gusto ko talaga, mabakunahan. Kasi ang katuwiran ko, mas mahirap ang ma-COVID,” aniya.

Wala naman daw siyang naramdamang kakaiba noong araw na nainiksyunan siya, pero paggising kinabukasan ay may mga pasa na raw siya sa braso at dumurugo ang bibig.

Screenshot mula sa GMA video

Inakala raw niya na baka nabangga lang ng sepilyo ang gilagid niya, pero hindi raw tumigil ang pagdurugo na lumabas na rin sa ilong niya.

Nagkaroon din siya ng mga rashes sa buong katawan na parang tigdas pero hindi naman makati.

Isinugod siya sa pagamutan kung saan siya nanatili ng dalawang linggo. Ayon sa mga doktor, hindi na siya bibigyan ng second dose ng bakuna, na naka-schedule sana sa February 23, dahil hindi kakayanin ng kanyang katawan.

Immune thrombocytopenia ang disorder na dumapo kay Legaspi kung saan bumaba nang sobra ang platelet count niya at ang mga platelets ay nawalan ng kakayahan na tumulong sa blood clotting. Maaari umano itong matuloy sa internal bleeding.

Imahe mula kay Luz Legaspi

Ayon sa Philippine Foundation for Vaccination, posibleng side effect nga ng bakuna o anumang medisina ang thrombocytoenia, subalit wala pa raw sapat na ebidensya upang mangamba ang tao sa pagpapabakuna.

Nagpahayag naman ang Moderna na patuloy nilang mino-monitor ang epekto ng kanilang COVID-19 vaccine.

Loading…