Pinoy nanalo ng “largest jackpot prize” sa kasaysayan ng Canada lottery

  • Nanalo ng pinakamalaking lottery jackpot prize sa Canada ang isang Pilipino
  • Nagkakahalaga ito ng CAD$60 million na may katumbas na Php2.2 billion
  • Napa-‘sana’ all na lamang ang mga netizens

Pilipino ang nanalo ng largest lottery jackpot prize sa naging kasaysayan ng Canada lottery nitong Martes, Pebrero 2, 2021 na nagkakahalagang 60 million Canadian dollars, o may katumbas na 2.2 billion pesos sa Pilipinas. Sana all talaga, ‘di ba?

Inihayag ng Western Canada Lottery Corporation (WCLC) na ang nakasungkit ng winning combination numbers ay si John Chua, at kasama niyang tumanggap nito ang misis na si Jhoana Chua, inang si Angie Chua at tiyuhing si Ben Lagman, sa Winnipeg, Manitoba, na isa sa mga lalawigan ng Canada.

Image capture mula sa YouTube channel /Public Domain Image

Salaysay niya, bumili siya ng ticket sa pamamagitan ng online.  Kinabukasan, nang ihayag na ang mga numero sa winning ticket, laking-gulat niya nang tumama ang mga numerong tinayaan niya.

Ang naturang online ticket, na may mga winning numbers na 11, 21, 23, 25, 28, 41 at 43,  ay maituturing na largest winning ticket purchased online sa Canada.

Hindi makapaniwa ang buong pamilya Chua; akala pa nga ng inang si Angie ay nagbibiro lamang ang kaniyang anak. Palabiro daw kasi talaga ang kaniyang anak.

“He always plays jokes – he’s a joker, so I didn’t believe it,” Angie recalled her son telling her their family was about to be multi-millionaires” saad ni Angie.

Hindi pa raw tiyak ng pamilya kung ano ang gagawin sa napanalunang pera, subalit nangako si John na magiging wais sa paggastos dito, lalo na’t madalang pa sa patak ng ulan ng Mayo ang mga ganitong pagkakataon at senaryo.

“I just want to take the time and do the smart thing,” saad ni John.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

Image capture mula sa YouTube channel

“Wow! Iyan ang tunay na sana all! Baka naman po! Sana naman manalo ako sa lotto kagaya nila. Kaya lang, di naman ako tumataya hahaha, nanghihinayang kasi ako kapag natalo,” saad ng isa.

Turan naman ng isa, “Lalabas na naman ang mga biglaang kamag-anak ng mga Chua at may sari-sariling kuwento ng nakaraan hahaha.”

“Sa Canada, ang lottery winner ay ipinakikita ang mukha ng nanalo. Sa Pilipinas, ang lottery winner ay itinatago naman ang mukha. Bakit kaya ganun?” takang tanong naman ng isa.

Congratulations, Chua family! Spend your money wisely!

Samantala, panoorin ang panayam sa kanila ng “Filipinos in Canada” via YouTube Channel:

Loading…