Pitong milyong botante tinanggal ng Comelec sa voters’ list

Imahe mula sa PNA
  • Inalis na ng Comelec sa voters’ list ang pitong milyong voter’s accounts na hindi bumoto sa dalawang magkasunod na eleksyon
  • Target ng Comelec ang apat na milyong bagong registrants bago matapos ang registration deadline sa September 30, 2021
  • As of January 7,2021 ay mahigit isang milyon pa lang ang mga nagparehistro sa Comelec

Deleted na o deactivated na sa voters’ list ng Commission on Elections (Comelec) ang humigit-kumulang pitong milyong voter’s accounts dahil sa pagkabigo ng mga ito na bumoto sa dalawang magkasunod na eleksyon at iba pang mga kadahilanan.

Imahe mula sa CNNPH

Sinabi ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon na batay sa Voter’s Registration Act, “a registration may be deactivated if the voter fails to cast his ballot in two successive regular elections.”

Sa naturang bilang, nasa 700,000 umano ang bumalik sa Comelec office para muling magparehistro, aniya.

Ang deactivation ng voter’s account ay maaari ring gawin sa mga taong nasentensiyahan ng korte na mapiit na hindi bababa sa isang taon, mga taong nakagawa ng krimen laban sa pamahalaan at ang mga taong dineklara ng competent authority bilang baliw.

Ayon kay Comm. Guanzon, posibleng marami sa mga deactivated voter’s accounts ay mga yumao na o kaya ay sa ibang bansa na naninirahan at nagpalit na ng kanilang citizenship.

Target ng Comelec ang apat na milyong new registrants bago dumating ang deadline ng registration sa September 20 ngayong taon. Sa datos nito, as of January 7, 2021 ay nasa 1,050,793 pa lang ang nakapagparehistro.

Imahe mula sa City Government of Valenzuela

Sinabi ng Comelec na wala nang extension ang September 30 deadline ng voter’s registration dahil ang paghahain ng certificate of candidacy ay sisimulan na sa October ngayong taon.

Dahil dito ay nakiusap si Comm. Guanzon sa mga mamamayang 18 years old na na magparehistro nang mas maaga at iwasan ang last-minute registration.

“Very tight schedule. Huwag na po kayong mag-last minute kung kaya naman ninyo magpa-rehistro na po ngayon,” aniya.

Screenshot ng tweet ni Comm. Rowena Guanzon

“Parang awa n’yo na mga anak na 18 years old, magparegister na kayo sa Comelec,” saad sa post ni Comm. Guanzon sa Twitter.

Nakatakda ang Presidential elections sa bansa sa ika-9 ng Mayo taong 2022.

Source :

Inquirer, ABS-CBN

Loading…