Plastic straws at coffee stirrers ipagbabawal na sa bansa – DENR

Imahe mula sa Food & Wine Magazine/ideal-household.com
  • Ipagbabawal na sa bansa ang paggamit ng plastic straw at coffee stirrer
  • Naaprubahan na kasi na mapabilang ito sa non-environmentally acceptable products o NEAP
  • Kabilang sa kumontra ay ang DTI at mga manufacturing at recycling industries

Sa mga susunod na buwan ay ipagbabawal na ang paggamit ng plastic straw at coffee stirrers sa Pilipinas matapos aprubahan ng National Solid Waste Management Commission (NSWMC) na mapabilang ito sa itinuturing na non-environmentally acceptable products (NEAP).

Sa ginanap na pagpupulong ng commission kamakailan, napagkasunduan na ituring ang dalawang produkto bilang NEAP at tuluyan nang i-ban sa bansa sa pamamagitan ng implementasyon ng Republic Act 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act.

Imahe mula sa U-Konserve

Sa botohan na pinangasiwaan ni DENR Undersecretary for Solid Waste Management and Local Government Units (LGUs) Concerns at NSWMC Alternate Chair Benny Antiporda, 11 ang bumoto pabor dito habang dalawa naman ang komuntra kabilang na ang Department of Trade and Industry (DTI) at kinatawan ng manufacturing and recycling industries.

“I am elated that after 20 years since the birth of RA 9003, the NEAP listing has now commenced. This is long overdue, and we need to catch up with the demand of solid waste management in our country,” ani Antiporda sa isang pahayag nitong Miyerkules.

Ayon pa sa opisyal, matagal na nilang ipinaglalaban ang na magkaroon ng NEAP list na may kaakibat na batas upang labanan ang tuluyang pagkasira ng kalikasan.

Usec Benny Antiporda| Imahe mula sa DENR

“The prohibition on these two single-use plastic items may be small steps in the NEAP listing, but it is a big leap when it comes to compliance with the provisions of RA 9003,” wika pa ni Antiporda.

“This global celebration aims to encourage the public to go straw-free and say ‘no straw please’ when ordering drinks,” dagdag pa nito.

Ang iba pang miyembro ng commission na dumalo sa pulong ay mga kinatawan ng Department of Health (DOH), Metro Manila Development Authority (MMDA), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Agriculture (DA), Department of Public Works and Highways (DPWH), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Philippine Information Agency (PIA), League of Municipalities of the Philippines (LMP), League of Cities of the Philippines (LGO), at non-government organizations na kinatawan ng EcoWaste Coalition.

Loading…