Pokwang reacts: P500 per kilo ng baboy tapos suweldo nasa 300 to 500 lang

Image by Pokwang via IG
  • Pokwang pinagkumpara ang presyo ng karneng baboy sa suweldo ng mga manggagawa
  • Aniya, P500 na kilo ng baboy tapos ang suweldo mo nasa 300 to 500 pesos lang, ano ito?
  • Pinuri niya ang hakbang na ginawa ni Pasig City Mayor Vico Sotto na pagtataas sa sahod ng mga health aides

Hindi na napigilan ng komedyante at TV host na si Pokwang ang maglabas ng saloobin hinggil sa pagkukumpara sa sahod ng mga ordinaryong mamamayan sa presyo ng karne ng baboy.

Image by Pokwang via IG

Ani TV5 host sa kanyang Twitter post, “Ito ‘yung dapat unahin, ang pagtaas ng sahod ng mga manggagawa lalo na mga frontliners!!!! Hindi ‘yung kung anik anik na lang na law na ‘yan na wala sa timing!”

Pagpapatuloy nito, “500 na kilo ng baboy tapos ang sweldo mo nasa 300 to 500 lang ano ito??? God bless you mayor @VicoSotto.”

Kasabay nito ang pag-share niya sa pahayag ni Pasig City Mayor Vico Sotto kaugnay sa pagtataas nito sa sahod ng mga Health Aides sa siyudad mula P5,000.00 patungong P12,000.00.

Ang mababasa na pahayag ni Mayor Sotto: “Ngayong taon tinaasan natin ang sahod ng mga Pasig Health Aide mula P5,000 kada buwan hanggang P12,000.

“Mabigat ang katungkulan ng mga health center personnel natin, at madadagdagan pa ang responsibilidad nila. Kaya hindi sila dapat underpaid.”

BASAHIN: Imported na baboy sa supermarket saklaw na rin ng price cap – Palasyo

Samantala, inilabas kamakailan ang Executive Order No. 124 ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagtatakda ng price ceiling para sa presyo ng karne ng baboy at manok.

Imahe mula sa PCOO

Simula ika-8 ng Pebrero ay itatakda ang price ceiling na P270 kada kilo para sa kasim at pigue, P300 kada kilo sa liempo at P160 para sa dressed chicken.

Pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, kasama rin sa price ceiling ang mga imported na karne.

Aniya, “Kahapon po, nangako ang DTI sa pamamagitan ni Secretary Lopez na henceforth magkakaroon po ng label na imported ang baboy na binibenta sa supermarket. At kapag ito ay imported na baboy, subject na rin po sya sa price cap.”

Imahe mula sa Give Me This Day Blogspot

Loading…