Pop-up coffee stand ng magpipinsan patok sa Pampanga

  • Patok ang pop-up coffee stand ng magkapatid kasama ang kanilang pinsan sa Pampanga
  • Tampok nila ang mga kapeng panamin ng mga lokal na magsasaka mula sa Sagada, Kalinga, at Benguet
  • Masaya raw sila sa kanilang ginagawa

Hindi maitatatwang mahilig sa pag-inom ng kape ang mga Pilipino; patunay ang hindi nababakanteng mga coffee shop na laging pinagtatambayan ng mga nagnanais na mag-relax o makipagbonding sa kanilang mga kaibigan.

Kaya naman, patok na patok ang isang pop-up coffee stand na naisipang negosyo ng magkapatid na sina Johndoe at Kim Martin Gallegos kasama ang kanilang pinsan na si Bill Lawrence Estacio, na sinimulan nila noong Disyembre 2020. Pinangalanan nila itong “Coffee Bros.”

Imahe mula sa Facebook page ng Coffee Bros

Ayon sa kanila, noong nagsimula sila ay instant coffee lamang ang ginagamit nila, subalit nang pumatok na ito, sinimulan na nilang gamitin ang brewed coffee na tanim ng mga lokal na magsasaka mula sa Sagada, Kalinga, at Benguet. Ang nakatutuwa rito, ang isang vup ay nagkakahalaga lamang na 30 piso.

Kuwento nila, noong una raw ay tatlo lamang ang naging customers nila; dalawa pa roon ay pinsan nila. Nang dumami na ang kanilang mga benta, unti-unti ay bumili na sila ng mga kagamitan para sa pag-upgrade ng kanilang mga coffee stand, na pawang DIY o Do-It-Yourself.

“Nag-e-enjoy po kami sa ginagawa namin. Plus, sa mga taong namamangha sa paggawa namin ng kape… masaya na kami. Dahil manual lang po lahat ng gamit namin. At ang importante po is nagiging aware po ang mga tao sa mga lokal natin na coffee beans at local coffee farmers at kung anong sarap ng ating local coffee,” paliwanag nila.

Makikita ang kanilang coffee stand sa kahabaang ng Candaba-Baliuag Road — sa kabukiran ng Pampanga. Bukas sila mula 5:00 ng madaling-araw hanggang 9:00 ng umaga.  Nakabebenta umano sila ng 100 cups ng kape at 20 naman  kapag matumal.

Imahe mula sa Facebook page ng Coffee Bros

Kapag lumakas pa ang kanilang kita, nagbabalak na rin silang magtayo ng pop-up shops at online stores.

“Marami rin po ang na-inspire nag-start ng business nila dahil nung nag-post po ako sa mga groups ng kape dito sa Pinas. Doon pa lang masasabi ko matagumpay na shop namin dahil sa daming na-inspire sa amin,” anila.

Nakapagbibigay ng inspirasyon, hindi ba? Maaari kang sumilip s akanilang facebook page na Coffee Bros PH.

I-CLICK ANG IMAHE PARA SA VIDEO

 

Guys Open Pop-up Coffee Stand by the Road, Now Sell Up to 100 Cups a Day

Loading…